Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jodi, may isang araw para mag-aral
Jodi, may isang araw para mag-aral

Jodi, may isang araw para mag-aral

PROPER time management. Ito ang iginiit ni Jodi Sta Maria kung paano niyang nagawang magtagumpay sa kanyang pag-aaral.

Sa kabila kasi ng pagiging abala ni Jodi sa kanyang career, nagawang maging Dean’s Lister ng aktres sa Southville International School and Colleges, nan aka-enrol siya sa B.S. Psychology.

READ MORE:  Mensahe ni Direk Arlyn sa kamag-anak ng actor — Ipagamot n’yo si Baron

Aniya, “It started with this dream that I never let go of. Dumating ako sa point ng life ko wherein I decided that I needed to pursue that dream,” sambit ni Jodi sa presscon ng Sana Dalawa ang Puso.

“It’s really about finding your time to do something that you like and fighting for it.”

READ MORE:  You are like a brother to me! –Susan Roces

Paliwanag ni Jodi, humingi siya ng isang araw sa isang linggo para ilaan lamang sa kanyang pag-aaral. “Gusto ko kasi talaga bumalik sa pag-aaral. That is every Tuesdays from 8:00 a.m. to 5:00 p.m. ‘Yung araw na ‘yun, hindi ko talaga pinagagalaw ‘yun,” aniya.

READ MORE:  Kuya Boy, kinontra si PNoy

Sinabi pa ni Jodi na hindi rin niya magagawa ito kung wala ang suporta ng kanyang pamilya gayundin ng ABS-CBN management.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top