Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mr. & Mrs. Cruz, experimental film

Mr. & Mrs. Cruz, experimental film

TIPONG experimental film iyang pelikulang Mr. & Mrs. Cruz na pinangungunahan nina Ryza Cenon at JC Santos. Kung panonoorin ninyo, nagsimula at natapos ang kuwento ng dalawa lang silang characters sa buong pelikula. Iyong mga karaniwang pelikula natin, napakaraming artistang kasama. Kailangan nila ang maraming characters para mabuo ang isang kuwento. Iyan namang pelikulang iyan, talagang dalawa lang ang characters sa kuwento.

Pero mukhang tanggap naman ng publiko ang ganoong formula ng pelikula. Ganyang klase rin at naging isang malaking hit noong nakaraang taon, ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy. Maliwanag din naman na ang concept ng pelikula ang tinanggap ng mga tao sa proyektong iyon, dahil ang mga sumunod na pelikula ng dalawang stars ay hindi na kumita ng ganoon kalaki.

Ngayon, sina Ryza at JC naman ang susubok ng ganoong concept, at marami ang naniniwala na magiging hit din ang kanilang pelikula.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved