Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mowelfund, nabulabog sa pa-party ni Direk Maryo
Mowelfund, nabulabog sa pa-party ni Direk Maryo

Mowelfund, nabulabog sa pa-party ni Direk Maryo

NABULABOG sa ingay at sayawan ang Social Hall ng Mowelfund nang ganapin ang annual New Year celebration ni Direk Maryo Delos Reyes para sa mga kaibigan, kakilala at member of the press.

Taon-taong ginagawa iyon ni Direk Maryo at nakita naming dumalo sina Katrina Halili, Calatagan Batangas Vice Mayor Andrea del Rosario, Ana Capri, Ashley Ortega, Leandro Baldemor, Mis Cuaderno.

READ MORE:  Tambalang Janella at Marlo, ‘di puwedeng ietsapuwera

Naroon din ang singer na si Miguel Aguila na naka-duet si Lani Misalucha noong mag-show sila sa Las Vegas.

Dumalo rin sa kasiyahan sina Cloyd Robinson, Jeric Vasquez ng Escolta Boys, Orlando Sol ng Masculados, at Deborah Son na mukhang umaariba ang career ngayon.

READ MORE:  Marian’s show extended kahit ‘di nagre-rate

Aliw na aliw ang mga bisita ni Direk Maryo dahil sa mga Nostalgic songs and music na tinugtog ng banda. Ang naturang party ni Direk Maryo ay sinimulan noon ni late Douglas Quijano at ipinagpatuloy ni Direk Maryo for ten years. Gusto niyang sa hirap ng buhay ngayon, maaari pa ring maging masaya.  (VIR GONZALES)

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved