Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday, dapat nang bumalik sa paggawa ng teleserye

Juday, dapat nang bumalik sa paggawa ng teleserye

NAGBALIK na si Judy Ann Santos sa mainstream movie, sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Iyan ay matapos na makagawa siya nang halos sunod-sunod na mga pelikulang indie. Nakalulungkot naman na nang gumawa siya ng indie, kagaya ng karaniwang nangyayari, hindi rin kumita ang mga iyon. May isa pang pelikula na nalugi pati siya dahil sumosyo siya sa produksiyon mismo ng pelikula.

Isa iyan sa natatandaan naming naging problema nila noon ng dati niyang manager, na nagalit nang gumawa siya ng indie films na hindi nagpaalam dahil alam naman niyang hindi siya papayagan. Pero kagaya rin ng iba pang mga artista, gusto rin naman siyempre niyang masubukan ang gumawa ng indie. Pero ngayon nagbabalik na siya ulit sa mainstream dahil talaga namang naroroon ang labanan sa industriya. Kailangan ang mga mainstream para suportahan ng publiko at makalabas nang sigurado sa mga sinehan. Dala na rin kasi ang mga sinehan na nalulugi lamang sa mga pelikulang indie.

READ MORE:  Xian, naluha sa mga papuri nina Ate Vi, Angel at Direk Joyce
READ MORE:  Sancho, mabuting anak kaya pinagpapala ng nasa Itaas

Ngayon sinasabi nga nila, medyo malalaki na rin naman ang mga anak ni Juday, at baka maaari na rin niyang balikan ang paggawa niya ng mga teleserye. May panahong dominated ng mga show ni Juday ang primetime. Siya ang humawak ng primetime ng matagal na panahon din, hanggang sa nagsawa yata siya at tumigil na muna, lalo na noong panahong sinasabing gusto naman niyang magka-baby na. Ngayon pareho na ang dalawa niyang anak na hindi na masyadong alagain, kaya bakit nga ba hindi rin niya balikan ang teleserye kung iyon ang mas magtutulak pa sa kanyang career?

READ MORE:  L.A. Santos, gustong maging kompositor

Pero sinasabi nga rin ni Juday, na bagamat binabalikan na niya unti-unti ang kanyang career, mas priority pa rin niya ang kanyang pamilya. Eh kasi naman, iyang si Juday ang kahit na siguro hindi na magtrabaho ay ok naman ang magiging buhay nila. Pero sayang din naman dahil hinahanap iyon ng kanyang fans.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved