Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia umamin na pamilya, posibleng mawasak
Sylvia umamin  na pamilya, posibleng  mawasak

Sylvia umamin na pamilya, posibleng mawasak

ANG tindi ng highlight sa seryeng Hanggang Saan ni Sylvia Sanchez. Inamin na ni Sonya (Sylvia Sanchez) ang pinakamalaking bahid mula sa kanyang nakaraan—ang pagpaslang niya sa negosyanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon) sa inaaabangang rebelasyon sa Kapamilya Haponserye na Hanggang Saan.

Kaya naman buong tapang niyang inamin sa mga anak niyang sina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) na siya mismo ang pumatay kay Mr. Lamoste, at handa niyang harapin ang kapalit ng kasalanan upang pagdusahan ang ginawang krimen.

Ito na nga ang umpisa ng kalbaryo ni Sonya dahil ang sikretong kanyang Itinago upang mapanatiling buo ang pamilya ang siyang wawasak din.

READ MORE:  Liza Lorena, hanga sa talento ni Allen Dizon bilang aktor

Habambuhay nga bang pagdurusahan ni Sonya ang kasalanang ito?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa Hanggang Saan, tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw.

JUDAY, NAKATITIYAK:
WALANG BAHID
NG PAGKA-BAKLA SI RYAN

MASAYA at matindi ang tawanan nang tanungin si Judy Ann Santos kung umibig na ba ito sa bading sa presscon ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na showing sa January 17.

“Wala,” mabilis niyang sagot na  sabay tawa.

“Wala…wala at all,” sey pa niya.

READ MORE:  May krisis sa Goin’ Bulilit

Nagpalakpakan at nagtawanan ang movie press pati ang mga na nasa balcony ng Dolphy Theater.

“Baka..mas kami pa ang pinagnasaan,” lahad ni Juday.

Tinanong din si Juday kung paano kung madiskubre niyang bading ang mister niyang si Ryan Agoncillo?

“Parang matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensiya

“Kasi sa realidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?

“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really  no way out doon sa sitwasyon mo. Bago ka makawala, masasaktan ka muna,” lahad pa ng young superstar.

READ MORE:  Nasa puso ang pagtulong, maliit man o malaki (Sa mga bumabatikos kay Regine…)

So, wala kang nakikitang bahid kay Ryan?

“Walang-wala. Thanks God,” pakli pa niya na tumatawa.

Anyway, ang heartwarming at laugh-out-loud dramedy na Ang Dalawang Mrs. Reyes ay sa ilalim  ng direksiyon ni Jun Robles Lana. Ang pelikulang ito ay tungkol sa infidelity. Tampok din sa Ang Dalawang Mrs. Reyes sinaJoross Gamboa at JC De Vera. Ipalalabas ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 17.

TALBOG!
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved