Saturday , April 20 2024

Sylvia Sanchez, nabaliw sa kanyang pagkakamali!

MAY amusing anecdote si Ms. Sylvia Sanchez sa co-star niya sa pelikulang Mama’s Girl na si Sofia Andres.

‘Yung first meeting raw nila sa set, looking galore lang siya sa demure at magandang young actress na gumaganap bilang anak niya sa pelikula.

Anyway, habang magkahawak-kamay sila sa presscon ng Mama’s Girl, nai-share ni Sylvia ang isang nakatutuwang pangyayari.

Anyway, hiyang-hiya raw siya kay Sofia dahil sa isang anecdote na awkward ang naging dating.

“Kasi, pictorial, the first day kami nagkita,” she said in retrospect. “First time kong nakita si Sofia… first time ko siyang nakilala.

“Buong cast muna ang nag-pictorial, and then kaming dalawa na.

“Paghawak ko sa kanyang kamay, sobra siyang malamig! As in nanginginig!

“Sabi ko, ‘Bakit ka nanginginig?

“Sabi niya, ‘Natatakot po ako sa inyo.’

“Sabi ko, ‘Huwag kang matakot sa akin. Mukha lang akong impaktita pero mabait akong tao. Huwag ka lang maging impakta, kasi mas impakta ako!’

“Iyon ang sabi ko sa kanya. Direkta.

“‘Anak kita rito, nanay mo ako, so kailangang maging close tayo sa isa’t isa. Wala tayong choice.’”

So nag-pictorial na nga raw sila yakap-yakap. Feeling close. Tawanan.

Out of the blue, bigla raw nag-dialog ang dalaga na may nagsabi raw sa kanyang kamukha raw niya ang anak niyang si Ria Atayde.

Sinagot naman daw ni Sylvia na actually raw, para silang magkapatid!’

Tapos, humirit pa raw si Sylvia. Hindi lang daw silang dalawa ni Ria ang dead ringer. May isa pa raw kamukha ang kanyang anak at ito’y si Sofia Andres.

Ngumiti lang daw ang dalaga.

Tinanong daw niya ito kung kilala ba niya ‘yung Sofia Andres?

Siya raw kasi, mahina talaga sa pangalan. Mahina rin siya sa birthdays.

Pero ang mukha, tandang-tanda niya, lalo na pag na-meet na raw niya.

Pagkatapos no’n, sinabi raw niyang tatlo silang magkakamukha.’

Noong magkita raw sila the day after, nalaman niyang si Sofia Andres pala ang kasama niya sa pelikula nilang Mama’s Girl.

Naikuwento raw niya ito kay Ria at halos gumulong sa katatawa.

“After no’n, ‘yun ang nag-open,” she said. “Tapos, nagkita kami, ‘Sorry, sorry, Sofia! Sorry talaga! Kasi, mahina ako sa pangalan!’

“And… eto na kami ngayon,” Sylvia said while Sofia lovingly embraced her. “Eto na siya… kasama ko na siya.”

SNOOKY SERNA, NA-WITNESS
ANG TOTOHANANG SAMPALAN
SA PAGITAN NINA LOVI POE
AT ERICH GONZALES

NA-WITNESS raw ng aktres na si Snooky Serna ang controversial confrontation scene sa pagitan nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikula nilang The Significant Other.

Last October 2017 nangyari ang incident na ito na nagdulot ng sugat sa daliri kay Erich at swollen neck naman kay Lovi Poe.

Anyway, nang makausap ng press si Snooky Serna sa January 4 press conference ng The One That Got Away, sinabi niyang na-witness niya  ang kontrobersiyal na confrontation scene na ‘yan. “My goodness, I witnessed it. Talagang nagkasakitan sila, like Erich broke a nail and then si Lovi, nagkaroon ng parang, I think, pasa somewhere on her face,” Snooky looked back.

“Tapos, paulit-ulit pa ‘yung takes so paulit-ulit ‘yung sampal, ‘yung sakitan nila! Shocked kaming lahat.”

The 51-year-old actress, who delineated Erich’s mother in the film, said that the staff and other cast members did not expect the two ladies to do the scene for real.

Parang nagkapikonan raw sina Erich at Lovi pero naayos naman ang lahat-lahat after the repeated takes.

“After the scene,” recalled Snooks, “medyo nagpahinga muna sa kani-kanilang corners, tapos nakita namin nag-reconcile na.”

Anyway, all’s well that ends well. Nagkayakapan pa raw ang dalawa, including their leading man Tom Rodriguez.

Anyway, Snooky now is now busy with GMA’s upcoming prime-time series The One That Got Away, that also stars Lovi and Dennis Trillo.

Snooky is Lovi’s mom in TOTGA.

NO COMMITMENT
MUNA PARA KAY
SEF CADAYONA

SA PRESS conference ng bagong fantasy series ng GMA Network, ang Sirkus, nakita ng press up close ang simpatikong si Sef Cayadon at hiningan siya ng update tungkol sa pamba-bash sa kanya sa social media.

In a nut shell, marami naman daw siyang natutuhan.

Looking back, nakatanggap ng matinding pamba-bash si Sef dahil sa supposed intimacy nila ni Maine Mendoza.

“Before Christmas, parang wala na kaya happy,” he intimated.

“Happy na finally it all ended, sila rin naman… Happy Christmas.”

Before the year ends, the wrath of the AlDub nation has been switched to Jake Ejercito.

This is the reason why Sef has been left alone by the feisty AlDub fans.

Iba naman siyempre ang punto de vista ni Sef.

“Hindi ko naman siya natrato na ganoon,” he said in earnest.

“Pero para sa akin, I just go by with myself.

“Kumbaga, naka-blackout na ‘yan ever since sa akin.

“So, kung anoman ‘yung nangyaring news about whatsoever, hindi ko na siya napapansin.

“I’m just happy na masayang-masaya ang Pasko ko.”

Kay Maine pa rin, ‘di naman daw dapat na nag-break sila dahil never naman silang nag-on.

To set things straight, sinabi niyang wala naman daw talagang nangyaring kahit ano kaya walang dapat aminin.

Right now, he’s supposedly single and he wants it to remain that way.

“This year,” he stressed, “ako muna. Let’s see how it goes. I’m happy with myself.

“I’m actually very excited kung ano ang mangyayari sa work ko, sa mga plano ko sa trabaho para sa future life ko.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

 

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *