Monday , July 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Snooky Serna, na-witness ang totohanang sampalan sa pagitan nina Lovi Poe at Erich Gonzales
Snooky Serna, na-witness ang totohanang sampalan sa pagitan nina Lovi Poe at Erich Gonzales

Snooky Serna, na-witness ang totohanang sampalan sa pagitan nina Lovi Poe at Erich Gonzales

NA-WITNESS raw ng aktres na si Snooky Serna ang controversial confrontation scene sa pagitan nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikula nilang The Significant Other.

Last October 2017 nangyari ang incident na ito na nagdulot ng sugat sa daliri kay Erich at swollen neck naman kay Lovi Poe.

Anyway, nang makausap ng press si Snooky Serna sa January 4 press conference ng The One That Got Away, sinabi niyang na-witness niya  ang kontrobersiyal na confrontation scene na ‘yan. “My goodness, I witnessed it. Talagang nagkasakitan sila, like Erich broke a nail and then si Lovi, nagkaroon ng parang, I think, pasa somewhere on her face,” Snooky looked back.

“Tapos, paulit-ulit pa ‘yung takes so paulit-ulit ‘yung sampal, ‘yung sakitan nila! Shocked kaming lahat.”

The 51-year-old actress, who delineated Erich’s mother in the film, said that the staff and other cast members did not expect the two ladies to do the scene for real.

Parang nagkapikonan raw sina Erich at Lovi pero naayos naman ang lahat-lahat after the repeated takes.

“After the scene,” recalled Snooks, “medyo nagpahinga muna sa kani-kanilang corners, tapos nakita namin nag-reconcile na.”

Anyway, all’s well that ends well. Nagkayakapan pa raw ang dalawa, including their leading man Tom Rodriguez.

Anyway, Snooky now is now busy with GMA’s upcoming prime-time series The One That Got Away, that also stars Lovi and Dennis Trillo.

Snooky is Lovi’s mom in TOTGA.

NO COMMITMENT
MUNA PARA KAY
SEF CADAYONA

SA PRESS conference ng bagong fantasy series ng GMA Network, ang Sirkus, nakita ng press up close ang simpatikong si Sef Cayadon at hiningan siya ng update tungkol sa pamba-bash sa kanya sa social media.

In a nut shell, marami naman daw siyang natutuhan.

Looking back, nakatanggap ng matinding pamba-bash si Sef dahil sa supposed intimacy nila ni Maine Mendoza.

“Before Christmas, parang wala na kaya happy,” he intimated.

“Happy na finally it all ended, sila rin naman… Happy Christmas.”

Before the year ends, the wrath of the AlDub nation has been switched to Jake Ejercito.

This is the reason why Sef has been left alone by the feisty AlDub fans.

Iba naman siyempre ang punto de vista ni Sef.

“Hindi ko naman siya natrato na ganoon,” he said in earnest.

“Pero para sa akin, I just go by with myself.

“Kumbaga, naka-blackout na ‘yan ever since sa akin.

“So, kung anoman ‘yung nangyaring news about whatsoever, hindi ko na siya napapansin.

“I’m just happy na masayang-masaya ang Pasko ko.”

Kay Maine pa rin, ‘di naman daw dapat na nag-break sila dahil never naman silang nag-on.

To set things straight, sinabi niyang wala naman daw talagang nangyaring kahit ano kaya walang dapat aminin.

Right now, he’s supposedly single and he wants it to remain that way.

“This year,” he stressed, “ako muna. Let’s see how it goes. I’m happy with myself.

“I’m actually very excited kung ano ang mangyayari sa work ko, sa mga plano ko sa trabaho para sa future life ko.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

 

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved