Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sigaw ni Coco ‘pag idinirehe si Julia — ‘Baby cut!’
Sigaw ni Coco ‘pag idinirehe si Julia — ‘Baby cut!’

Sigaw ni Coco ‘pag idinirehe si Julia — ‘Baby cut!’

CARRY na talagang pakawalan at hindi na kailangang bantayan ‘pag iniinterbyu sina Julia Montes at Shaina Magdayao. Carry nilang sumagot kahit pinipiga.

Sa nakaraang presscon ng Asintado, maayos na sinagot ni Shaina na wala namang value kung magsasalita siya tungkol sa napabalitang kasal  umano ng kanyang ex na si John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Hindi na siya magco-comment.

Si Julia naman ay tumatawa lang habang binibiro na baby na ang tawagan nila ni Coco Martin.

Tumatawa lang siya habang binibiro siya na ‘pag idinirehe siya ni Coco ay sisigaw lang ito ng ‘baby’ cut!’ Dapat namang tanungin ni Julia si Coco ng ‘Baby, bakit hindi mo ako isinama sa ‘Ang Panday’?

“Grabe,” reaksiyon lang ni Julia sabay tawa.

Sakto kasi ang mga character na naroon.

Sey niya, sobrang talented si Coco. Kahit noong hindi pa nagdidirehe  ang actor ay may vision na ito. Ten ang ratings na ibinibigay niya sa actor dahil nakaka-proud. Nilagpasan kasi ang expectation niya.

Ten din ang rate na ibinibigay niya kay Coco bilang isang boyfriend kahit hindi umaamin. Sobrang bait kasi na tao ang aktor.

Anyway, isang obra ang sasalubong sa bagong taon dahil mag-uumpisa na ang kuwentong aasinta sa laban ng dugo at puso, ang Asintado na pinagbibidahan ng Daytime Drama Queen na si Julia Montes kasama sina Shaina MagdayaoPaulo Avelino, at Aljur Abrenica simula Enero 15 (Lunes) sa Kapamilya Gold.

Mapupuno ng aksiyon ang bawat hapon ng mga tagasubaybay ngayong makikilala na ng lahat si Ana (Julia), ang dalagang parte ng isang rescue team na pursigidong mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang kumupkop sa kanya.

Kasama rin sa cast ng Asintado sina Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Lito Pimentel, Agot Isidro, Nonie Buencamino, Gloria Sevilla, Aaron Villaflor, Louise Delos Reyes, Julio Diaz, Empress Schuck, Chokoleit, Ryle Santiago, at Karen Reyes. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano.

SYLVIA UMAMIN
NA PAMILYA, POSIBLENG
MAWASAK

ANG tindi ng highlight sa seryeng Hanggang Saan ni Sylvia Sanchez. Inamin na ni Sonya (Sylvia Sanchez) ang pinakamalaking bahid mula sa kanyang nakaraan—ang pagpaslang niya sa negosyanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon) sa inaaabangang rebelasyon sa Kapamilya Haponserye na Hanggang Saan.

Kaya naman buong tapang niyang inamin sa mga anak niyang sina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) na siya mismo ang pumatay kay Mr. Lamoste, at handa niyang harapin ang kapalit ng kasalanan upang pagdusahan ang ginawang krimen.

Ito na nga ang umpisa ng kalbaryo ni Sonya dahil ang sikretong kanyang Itinago upang mapanatiling buo ang pamilya ang siyang wawasak din.

Habambuhay nga bang pagdurusahan ni Sonya ang kasalanang ito?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa Hanggang Saan, tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw.

JUDAY, NAKATITIYAK:
WALANG BAHID
NG PAGKA-BAKLA SI RYAN

MASAYA at matindi ang tawanan nang tanungin si Judy Ann Santos kung umibig na ba ito sa bading sa presscon ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na showing sa January 17.

“Wala,” mabilis niyang sagot na  sabay tawa.

“Wala…wala at all,” sey pa niya.

Nagpalakpakan at nagtawanan ang movie press pati ang mga na nasa balcony ng Dolphy Theater.

“Baka..mas kami pa ang pinagnasaan,” lahad ni Juday.

Tinanong din si Juday kung paano kung madiskubre niyang bading ang mister niyang si Ryan Agoncillo?

“Parang matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensiya

“Kasi sa realidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?

“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really  no way out doon sa sitwasyon mo. Bago ka makawala, masasaktan ka muna,” lahad pa ng young superstar.

So, wala kang nakikitang bahid kay Ryan?

“Walang-wala. Thanks God,” pakli pa niya na tumatawa.

Anyway, ang heartwarming at laugh-out-loud dramedy na Ang Dalawang Mrs. Reyes ay sa ilalim  ng direksiyon ni Jun Robles Lana. Ang pelikulang ito ay tungkol sa infidelity. Tampok din sa Ang Dalawang Mrs. Reyes sinaJoross Gamboa at JC De Vera. Ipalalabas ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 17.

TALBOG!
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved