Saturday , April 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pondo para sa dobleng suweldo ng teachers dapat pagsikapan ni DBM Sec. Ben Diokno
Pondo para sa dobleng suweldo ng teachers dapat pagsikapan ni DBM Sec. Ben Diokno

Pondo para sa dobleng suweldo ng teachers dapat pagsikapan ni DBM Sec. Ben Diokno

PAGKATAPOS ng umento sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel, isusunod na ni Pangulong Rodrigo “Duterte” ang umento sa mga titser.

As usual, sumasakit na naman ang ulo ni Department of Budget Ma­nagement (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil hindi raw niya alam kung saan kukunin ang budget.

Kung sabagay, kahit tayo ang nasa sapatos ni Secretary Diokno, masakit talaga sa ulo ‘yan. Pero maraming remedyong ginagawa ang admi­nistrasyon ngayon para umikot ang ‘pera.’

Sa totoo lang, ang kailangan lang naman, umikot ang pera para maisakatuparan ang lahat ng plano at mithiin ng administrasyong Duterte.

‘Yang taas ng suweldo ng mga sundalo, pulis, titser at iba pa, hindi naman problema ‘yan kung umiikot nang tama ang ‘salapi.’

Hindi ba’t kapag sumuweldo, agad din lumalabas ang kuwarta dahil mayroong mga pangangailangan na kailangang tugunan ang isang indibidwal na manggagawa, empleyado, kawani, pulis, sundalo at iba pang consumers?

Ibig sabihin, babalik din agad ‘yan sa kabang yaman ng bansa. Maliban kung ibinibinbin ng malalaking establisyemento o mga pribadong banko ang umiikot na salapi sa komersiyo.

O ‘yung tinatawag na may akumulasyon sa pinansiya ang mga kapitalista at oligarkiya.

Kapag ganyan ang nangyari, tiyak na sasakit talaga ang ulo ni Secretary Ben. Kasi parang naho-hoard ang ‘salapi’ na dapat ay umiikot sa komersiyo patungo sa mga institusyong pananalapi ng pamahalaan para muling mailabas sa publiko.

Saan kukuha ng pansamantalang pang-abono habang hindi pa bumabalik ang pinakawalang salapi?!

Sa ganang atin, pag-aralan ng DBM ang napakalaking suweldo ng mga mambabatas bukod pa sa mga operational expenses nila.

Bawasan ang suweldo ng mga mambabatas, hindi lang sa kasalukuyang administrasyon kundi hanggang sa mga susunod pa.

At ang iba pang opisyal ng pamahalaan na naglulunoy sa malaking suweldo pero ang trabaho lang magpakuya-kuyakoy sa loob ng malalamig nilang opisina.

At pagkatapos itaas ang suweldo ng mga titser, isunod na sana ni Tatay Digong ang health workers  sa mga pampublikong ospital.

Kung mangyayari ito, hindi tuluyang maiiwanan ng ipapataw na TRAIN ang buhay ng mga pangkaraniwang Filipino at makatutulong pa sila sa pag-ikot ng ekonomiya.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JER[email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved