Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Martin, handang-handa nang maging lolo
Martin, handang-handa nang maging lolo

Martin, handang-handa nang maging lolo

HANDA na ang Concert King na si Martin Nievera sakaling sabihin ng  anak niyang si Robin Nievera na gusto nang pakasalan ang GF na si Zia Quizon, anak nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla.

Ani Martin sa presscon ng #paMORE, pre-Va­lentine concert nila kasama sina Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez, if they wanna have a child, I’m so ready. And today, you can’t be that old-fashioned father anymore. They’ll do it, anyway, ‘di ba? The more you hold them up, they will rebel.”

Nakikita na rin kasi ni Martin na seryoso kapwa sina Robin at Zia sa kanilang relasyon dahil lagi ngang magkasama ang dalawa at lagi pang magka-holding hands.

“Everywhere, they’re together. Even when we had our little impromptu dinner, they were together again, connected by the fingers,” ani Martin.

Hindi rin itinanggi ni Martin na boto siya kay Zia at excited din siya sa ideang magiging balae niya si Zsa Zsa.

“Hay naku, can you imagine kung may relationship kami ni Zsa Zsa, that would be really weird, I think, you know. But I told this to Zia, I told this to Boy Abunda as well, I said, ‘you know, Zia is the closest you’re gonna get to ending up with a woman like Zsa Zsa.’ She is a beautiful woman inside out. She’s the best friend of everyone in the industry,” sambit ni Martin.

Samantala, ang #paMORE concert ay magaganap sa Feb 10, sa Mall of Asia Arena, 8:00 p.m. na ang stage direction ay gagawin ni Paolo Valenciano at ang musical direction ay mula kina Louie Ocampo at Raul Mitra. Ito ay produced nina Ana Puno ngStarmedia Entertainment at Cacai Mitra of I-Music Entertainment.

Ang tickets para sa #paMORE ay available na sa SM Tickets (all branches/online at www.smtickets.com/ 470-2222).

 

ANGELO PALMONES,
PINALITAN ANG MORNING
SLOT NI JOE TARUC
SA DZRH

PINAKAMATANDANG radio station sa ‘Pinas ang DZRH at ang kanilang FM flagship station na Love Radio ang kasalukuyang #1 station sa FM radio ratings sa Metro Manila at several key cities. Nangunguna ang DZRH sa AM ratings charts sa loob ng maraming taon dahil sa pagbibigay ng tama at sariwang mga balita. Ang DZRH ay pinatatakbo ng Elizalde family ng Manila Broadcasting Company na ang opisina ay matatagpuan sa may Star City.

Isa sa maipagmamalaki ng DZRH’s ay ang award-winning broadcaster (KBP Broadcaster of the Year 2014 and Golden Dove Awards Best Newscaster for several times) na si Mr. Angelo Palmones.

Kuya Angel, kung tawagin ng mga kaibigan at kasamahan niya, ay isang topnotch newsman na bago narating ang kasalukuyang kinalalagyan ay nagdaan muna sa ibaba. Naging DZMM’s station manager siya sa loob ng maraming taon bago siya nagretio nang tumakbo sa isang public office, bilang isang Kongresista sa ilalim ng Agham Party List. Pagkaraan nito, nagbalik siya sa news broadcasting, ang tunay niyang mahal, at ito ay sa DZRH.

Kaya naman noong Enero 8, nagsimula ang kanyang radio show na RH Balita (5:00-7:00 a.m. Monday-Friday) kasama si Henry Uri. Ang RH Balita ay isang news and public affairs program na napakikinggan din sa  Radyo Natin FM nationwide. Mapakikinggan dito ang mga 1) special report sa mga maiinit na kaganapan sa araw na iyon; 2) provincial round-up mula sa mga reporter na nakakalat sa buong bansa sa pamamagitan ng Radyo Natin network na may 100 stations sa Luzon, Visayas, at Mindanao; 3) Mahiwagang Tunog with P1k/day na kailangang maibigay ng mga tagapakinig ang tamang kasagutan. Isa sa nagwagi nito ay isang bulag na pinapag-aral ang anak sa kolehiyo. Twist of the Mahiwagang Tunog ay ang clue sa araw na iyo kung paano naipo-prodyus iyon.

At simula Lunes hanggang Biyernes, papalitan na ni Palmones ang dating morning slot ni Joe Taruc, ang 7:00-7:30 a.m., ang Pangunahing Balita kasama ang broadcast veteran na si Deo Macalma, ang Mayor ng Star City.

Hindi itinanggi ni Palmones na malaking challenge para sa kanya na palitan ang timeslot ni Taruc. ”These are very big shoes to fill. Dr, Joe Taruc is an icon. It’s a very challenging opportunity to be on his seat!”, giit ni Palmores na itanggi man niya ay isa rin siyang yaman ng broadcast industry.

ALJUR,
IPINAGDARASAL
NA MAGING CLOSE
SILA NI ROBIN

HINDI nakasama si Aljur Abrenica nang magkita ang mag-lolong Alas Joaquin at Robin Padilla noong Disyembre.

Kaya naman sa presscon ng pinakabagong teleserye nila, ang Asintado na pinagbibidahan ni Julia Montes kasama sina Shaina Magdayao at Paulo Avelino, natanong ito ukol sa kanilang relasyon ni Binoe.

Ani Aljur, importanteng magkita at magkasama ang mag-lolo at kaya hindi siya nakasama sa okasyong iyon ay dahil tumutulong siya sa Batangas dahil magho-holiday.

“Masaya siyempre, nagkasama-sama sila,” ani Aljur na magiging karibal ni Paulo kay Julia at gagampanan ang papel ni Xander.”Kasi ang unang nakasama ni Alas ‘yung family side ko eh. Nakita ko ‘yung happiness ng parents ko.

“Noong nakita ko ‘yun at noong naramdaman ko ‘yun, gusto ko rin na maramdaman ni Kylie ‘yun. So noong nagkita-kita sila eh masaya ako.”

Ukol naman sa status nila ngayon ni Robin, sinabi ni Aljur na, ”Okey naman. Hopeful ako na lahat ng makabubuti sa anak ko mangyari.”

Ipinagdarasal din ni Aljur na darating din ang tamang panahon para maging close sila ng tatay ni Kylie Padilla.

Sa Asintado, muling mapapasabak si Aljur sa drama at action sa bagong handog na ito ng Dreamscape Entertainment.

“Suwerte talaga sa akin ‘yung anak ko. Hindi lang para sa akin. Sa lahat ng tatay ito, eh. Ang mga bagong tatay, gagawin lahat para maibigay mo lahat sa anak mo,” giit pa ni Aljur.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved