Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday sa lalaking pinagnasaan pero bading pala: Wala, walang wala!
Juday sa lalaking pinagnasaan pero bading pala: Wala, walang wala!

Juday sa lalaking pinagnasaan pero bading pala: Wala, walang wala!

INTRIGUING ang pelikulang  Ang Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban dahil ikinasal sila sa mga bading na hindi nila alam na gagampanan nina Joross Gamboa at JC de Vera.

Base sa kuwento ng direktor na si Jun Lana, hindi alam ng dalawang Mrs. Reyes kung bakit matabang sa kanila ang mga asawa nila hanggang sa nabuking nila na mga bading pala noong makita nila sa Gay Parade sa Taiwan na nakasuot pambabae si Joross na asawa ni Juday at si JC na asawa naman ni Angelica.

Kaya hindi naiwasang tanungin ang dalawang aktres kung may naging karanasan na sila na nagnasa sila sa isang lalaki o nagkagusto tapos nalamang bading pala.

Nagkatawanan ang lahat lalo na si Judy Ann na tanging nasabi ay, ”wala! Wala, wala at all!” tumatawang sambit ng aktres kaya nagkatawanan ang lahat ng taong nasa Dolphy Theater at muling sinagot ni Juday, ”ahh wala!  Baka mas kami pa ang pinagnasaan,” biglang bawi ni Mrs. Agoncillo.

Sa totoo lang Ateng Maricris, wala kaming alam kung bakit biglang nagtawanan ang lahat ng tao.

Anyway, ang sabi naman ni Angelica, ”sa akin naman kapag may nagkakagusto, ang tanong sa akin kung ‘babae ba ako o bakla?’ Kasi nga para akong bakla magmahal, may mga nagkakagusto sa akin kaso nao-off sila kasi bakla nga raw ako (maingay).”

Hirit ni Juday, ”ah so ikaw ‘yung akala bakla.” 

Balik tanong naman ni Angelica, ‘ikaw ano naman?’  “Wala nga!” sabay tanong ni Angel bakit nagtatawanan ang tao, ”Ewan ko sa kanila (bakit nagtatawanan), sige kayo magsabi, ibabalik ko sa inyo ang tanong n’yo!”

Sundot na tanong ulit kina Juday at Angelica ay kung kaya nilang magmahal ng bading.

“Depende naman ‘yun kasi may matatagpuan o makikilala kang bading man na kapag nagmahal ay hindi mo na iisipin kung anong gender niya kasi masyado ka niyang mahal, masyado ka niyang inaalagaan. ‘Yun naman ang importante, ‘yung may respeto. Pero kapag napunta na sa bastusan, bigla kang iiwan, nawala na ‘yung respeto roon na nagkakaroon ng problema. ‘Pag nagmahal ng bakla o nagmahal ng tomboy, it doesn’t really matter kasi ang importante totoo ‘yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa,” paliwanag ni Budaday.

Samantala, tinanggap ni Juday ang Ang Dalawang Mrs. Reyes, ”I was really looking for a material na with challenge, me to go out of my comfort zone kasi for the longest time I’ve been doing films na ‘yung umiiyak, alam na ng mga tao ‘yun. Kaya hinamon ko ang sarili ko ng 2017, it should be something different na bago man lang ako mag-40, kailangan gumawa ako ng pelikulang hindi ko maiiisip na gagawin ko, ‘yung magda-dalawang isip akong tanggapin dahil masyadong maganda ‘yung material, kailangan kong oohan, ito ‘yun.”

At nang nagda-dubbing na si Judy Ann, ”napaisip ako kasi, ginawa ko talaga ito na may anak na ako? May asawa na ako, ganoon? Kasi ‘yung dapat na ginawa ko noong dalaga pa ako, ngayon ko siya ginawa, ganoon kahusay ‘yung script,” kuwento ng aktres.

Tinanong tuloy siya ni Angelika kung nagre-rebelde siya kaya niya tinanggap ang pelikula, ”hindi ko rin maintindihan, baka nagmi-midlife na ako, ha, ha. Ano kasi masaya siya and the same thing, hindi mo talaga iisipin na, ‘huy mayroon palang ganoon’. The story alone hindi siya bago, hindi palang siya nakikita ng mga tao. Tama si direk Jun, nangyayari siya,” magandang sagot ni Mrs. Reyes.

At para mas lalong maintindihan kung ano ‘yung hindi bago na hindi lang nakikita ng mga tao ay mas magandang panoorin angAng Dalawang Mrs. Reyes sa Enero 17, opening salvo ng StarcinemaQuantum Films, at IdeaFirst Company mula sa direksiyon ni Jun Lana at ang ibang cast ay sina Nico Antonio at Carmi Martin.

HEALTH CARD
NI KRIS, MALAKING
TULONG SA MASA 

MALAKING tulong ang bagong health card na ieendoso ni Kris Aquino dahil applicable ito sa masa.

Kuwento ni Kris sa bagong health card, ”It’s a prepaid card na binayaran mo for P2,000 for the entire year at ang coverage ay P150,000 in any emergency room at any hospital. ‘Di ba kasi ang nangyayari is that there’s a law in an emergency room you cannot be turned away but the what they’ll do is stabilize you and send to any government hospital.  But now with this (health card) you will have P150,000 na coverage.

“When they were explaining this to me, sabi ko, ang daming employees, siyempre may Philhealth pero ang laking tulong nito kasi like mga driver ko, nagmomotor, ‘di ba. Any unforeseen accidents so right away may coverage na P150,000. So hindi ka mamamatay kasi may ipakikita kang card and it’s only P2,000 a year.

“’Di ba hindi mo naman masasabi like naaksidente ka, nabalian ka, talagang ‘yun ‘yung malaking gastos. So, kung mayroon ka nitong prepaid card, at least panatag ka na kukuha ng panggastos. Kaya dapat nasa wallet mo lang na at least anuman ang mangyari kasama pati gamot.”

Nabanggit din Kris na malaki ang epekto sa negosyo niya ang bagong Train Law na nilagdaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong nakaraang taon.

Mahal kasi ang gasolina at diesel na ginagamit ng KCA company para sa Potato Corner and Nacho Bimby food business niya dahil araw-araw itong idini-deliver sa 10 branches niya sa Metro Manila.

Kaya sa tanong namin kung planong pasukin din ni Kris ang negosyong may kinalaman sa transportasyon.

“Mahal ang gasoline,” saad sa amin.

Natanong ang tungkol sa sinosyo niyang taxi sa LBR transport group na pag-aari ni Luis Manzano.

Nagulat kami sa sagot ni Kris na, ”hindi na ako Angel Investor, hindi na Angel kay Luis, ha, ha, ha.”

Ano ba ‘yung sinabing Angel investor?

“Eh, ‘di ba kay Luis ‘yun? Noong nag-a-ano (nag-uusap) kami, kaya hindi na nga ako Angel Investor ngayon, Venture capitalist na lang, yeheey,” tumatawang sabi sa amin.

Oo nga naman, hiwalay na kasi sina Luis at Angel kaya nawala na ang terminong Angel Investor.

Magkasosyo pa rin ang Queen of Online World and Social Media at ang Best Male TV host ng ABS-CBN sa LBR Transport.

”Mayroon lang akong inano sa kanila (invest money), at mag-fully paid sila by March 2020. Sila (Luis) ang nag-expand, 220 (units) na yata, ‘yung may pink taxi, ‘yun. So, I’m not an Angel investor now, I’m a venture capitalist, oh!,” tumatawang sabi ng Queen of Online World and Social Media.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved