Saturday , April 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 drug couriers tiklo sa P1-M shabu sa Taguig
2 drug couriers tiklo sa P1-M shabu sa Taguig

2 drug couriers tiklo sa P1-M shabu sa Taguig

NAKOMPISKA ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa New Lower Bicutan, Taguig City, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, a-restado sina Rojenn Manansala at Jimboy Kadelon na umano’y drug couriers sa lugar.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Levi Ortiz, matagal nang sangkot ang mga suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga, partikular sa Brgy. Maharlika sa Taguig.

Dagdag ni Ortiz, miyembro ng isang sindikato ang mga suspek ngunit hindi muna pina-ngalanan ang tinutukoy na grupo dahil patuloy pang iniimbestigahan.

Umaabot sa 200 gramo ang nakompiskang shabu mula sa mga suspek.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved