Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Male personality, palaboy- laboy sa QC
Male personality, palaboy- laboy sa QC

Male personality, palaboy- laboy sa QC

TAKANG-TAKA ang mga taong nakakakita sa isang male personality na ito na kulang na lang sabihing palaboy-laboy sa isang kalsada sa bandang Quezon City.

“Doon lang sa vicinity ng kalyeng ‘yon paikot-ikot, tapos tatambay na siya sa isang lugar doon. Pero ang alam namin, hindi naman sa area na ‘yon siya nakatira,” simulang kuwento ng aming source.

Ang lalong pinagtatakhan ng mga residente roon na nakakakilala sa kanya, bakit may ipit-ipit na brown envelope sa kili-kili ng personalidad na ‘yon?

“Hmmm, mag-a-apply kaya siya ng trabaho? Resume ba ‘yung nasa loob ng brown envelope na ‘yon? If so, saan naman kayang kompanya siya nag-a-apply?” tanong ng source namin.

Minsan na kasi, sa loob ng maraming taon, naglingkod sa isang TV network ang male personality na ‘yon, “Noong mawala ‘yung partner niya sa programang dating nilalabasan niya, eh, the end na rin ng career niya. Hanggang ngayon, wa pa rin siyang career. Nababasa na lang namin ang neymsung niya sa social media. In fairness, sayang siya. Magaling pa naman ang lolo mo!”

Da who ang sinasabing pakalat-kalat na male personality na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Ray Sansui.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved