Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 18-anyos estudyante nagbigti (Kinalasan ng live-in partner)

18-anyos estudyante nagbigti (Kinalasan ng live-in partner)

NAGBIGTI ang isang 18-anyos estudyante maka­raan makipag-away sa kanyang live-in partner na nagdesisyong siya ay iwanan, sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nadiskobre ang nakabigting bangkay ng biktimang si Paulino Joseph Lumodao, estudyante ng Alternative Learning System (ALS), ng kanyang kaibigan na si John Lloyd dakong 6:30 pm sa 4th floor ng kanilang bahay sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO2 Aaron Blanco at PO1 Joenel Claro ng Malabon police homicide division, bago ang insidente ay nag-away ang biktima at ang kanyang live-in partner base sa palitan ng mensahe sa kanilang messenger.

Nagpadala rin ang biktima sa kanyang live-in partner ng huling mensahe na “Kung mawawala ka sa akin, mas mabuti pang mawala na rin ako,” at nagpadala ng retrato na may nakapulupot na nylon cord sa kanyang leeg.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved