Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Digong most trusted & approved chief exec
Digong most trusted & approved chief exec

Digong most trusted & approved chief exec

NANINIWALA ang mayorya ng mga Filipino na mas magaling na presidente si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kompara kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong 8-16 Disyembre 2017.

Batay sa SWS survey, 70 porsiyento ang naniniwalang mas maganda ang performance ni Duterte kompara kay Aquino habang walong porsiyento ang nagsabi na mas mainam na leader si Aquino.

READ MORE:  Bagyong Jose papasok sa Lunes

Umabot sa 22 porsiyento ang may opinyon na pareho lang ang performance nina Aquino at Duterte.

“Kung ikokompara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula Hulyo 2016 sa pagganap ni dating Pangulong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2016, masasabi n’yo ba na PRRD is better, the same, PNoy is better?” isa sa mga tanong ng SWS sa respondents.

READ MORE:  FOI ipatutupad, Presidential TF vs media killings bubuuin – Palasyo

Kaugnay nito, umani ng pinakamataas na approval rating si Duterte sa 86% sa Mindanao, 73% sa Metro Manila, 64% sa Visayas at 63% sa Luzon, ayon sa latest Pulse Asia “Ulat ng Bayan.”

READ MORE:  PH nakiramay sa pagpanaw ng founding father ng Singapore

Nananatili anila na “most trusted and approved president” si Duterte sa nakalipas na halos isang dekada batay sa survey noong Disyembre 2017.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved