Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine Tolentino, dream come true ang pagkakaroon ng album!
Regine Tolentino, dream come true  ang pagkakaroon ng album!

Regine Tolentino, dream come true ang pagkakaroon ng album!

AMINADO ang talented at masipag na Zumba Queen, businesswoman, TV host/actress na si Ms. Regine Tolentino na dream come true ang kanyang pagkakaroon ng album. Sa ngayon, abala rin siya sa paghahanda para sa kanyang music video.

Kuwento ni Ms. Regine, “I’m busy preparing for the video shoot for my first music video to my song Bounce from my first dance album. Starting January, I will be on a strict diet and workout session to achieve my dream body!”

Iyong album mo, kailan ang labas? “My album is now out on Spotify, but the actual album and music video will be released at the end of January.”

Paano mo ide-describe ang album mo?

Pahayag niya, ”It is my long-time dream to have an album, and now it’s finally going to be released is just the most amazing thing for me. It is a reflection of me as an artist, of songs that will make you sing and dance with me.

“It has Salsa, Bachata, Hip Hop, Belly, Retro, Pop, and much more,” masayang saad niya.

May aabangan bang bagong TV show sa iyo this 2018? Wish mo ba na magkaroon ka ulit ng drama series?

READ MORE:  Angel, kinain ang sinabing ‘di siya nakikipagbalikan

Wika niya, “I’m on Unang Hirit, and I’m wishing na makasama ako sa drama series this year. I will definitely make time for this and adjust my Zumba and Corporate events because sobra kong na-miss mag-TV and movies ulit. Last drama series ko was Be Careful With My Heart and A Beautiful Affair.

“I’m also busy shooting weekly for my YouTube channel, doing dance tutorials, beauty, wellness and fitness tips, and travel and food vlogs.”

Nabanggit din niyang excited na siya sa kanyang first solo concert sa Sky Dome sa SM North EDSA. “I’m super excited for my first solo concert come this April 21 at the Sky Dome. So I’m wishing for good health and strength to be in my best shape so I can promote my album all over the Philippines and abroad.”

Ano ang wish mong mangyari sa iyo sa 2018? “More shows, more endorsements, a successful album, good health, another flourishing year for #ReginesBoutique and #RTSTUDIOS, and more-more love, hahaha!” Nakatawang saad pa ni Ms. Regine.

MOVIE COMPANY
NI BABY GO,

PATULOY SA PAGGAWA
NG MGA MAKA­BULUHANG
PELIKULA

INIANUNSIYO na ni Dennis Evangelista, isa sa pinagkakatiwalaang adviser/executive producer ng BG Production International na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go, ang mga pelikulang naka-line-up nila para sa taong ito.

READ MORE:  James at Nadine, mala-tambalang Boyet at Vilma

Actually, ngayong hapon (Jan. 8) iaanunsiyo ang opening salvo ng films na gagawin ni Ms. Baby para sa simula ng 2018.

Ayon sa post ni Dennis: Bonggang media announcement ang magaganap bukas January 8 tungkol sa mga bagong proyekto na inihahanda ng BG Productions International with CEO Baby F. Go.

Ano kayang mga bagong pelikula ang nakatakdang gawin ng mga award-winning directors na sina Direk Joel La­mangan, Louie Ignacio at Mel Chionglo para sa taong 2018? Kaabang-abang din ang ipapakitang teaser ng “Almost A Love Story” directed by Louie Ignacio at “Latay” ni Ralston Jover. #bgproductionsinternational

Nang huli naming nakapanayam ang lady boss ng BG Production bago nagtapos ang year 2017, sinabi ni Ms. Baby na abangan ang kanilang mga pasabog para sa pagpasok ng bagong taon.

READ MORE:  Kathryn, hottest teen star pa rin kahit mabalitang nagparetoke

“Abangan n’yo iyan, marami kaming pasabog, pero hindi pa puwedeng sabihin ngayon. Inaayos pa kasi, under negotiation pa yung iba.”

Sa kasalukuyan, dalawang pelikula ang sinisimulan ng movie company ni Ms. Baby, ang Latay at Almost A Love Story. Ang Latay, tampok ang award winning actor na si Allen Dizon ay tumatalakay sa istorya ng isang battered husband na promdi. Ito ay sa direksiyon ng internationally acclaimed filmmaker na si direk Ralston Jover.

Ang Almost A Love Story naman ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Lotlot de Leon at Ana Capri, mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio, katatapos lang ng shooting nito sa Italy. Ang naturang pelikula ay reunion movie rin nina Barbie, Ana at Direk Louie na nagkasama-sama sa Laut. Dito rin nanalo ng awards sina Barbie at Ana.

Ang Almost A Love Story ay hudyat din ng pagpasok ng BG Productions sa mainstream movie. Ang movie company ni Ms. Baby ay nakilala sa mga dekalibre at award-winning films tulad ng Lauriana, Lihis, Child Haus, Laut, Iadya Mo Kami, Area, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved