Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lespu tinangayan ng motorsiklo… Dalawang tirador kalaboso!
Lespu tinangayan ng motorsiklo… Dalawang tirador kalaboso!

Lespu tinangayan ng motorsiklo… Dalawang tirador kalaboso!

ARESTADO ang dalawang lalaki nang maaktuhan ng Manila Police District(MPD) na tinutulak ang ninakaw na motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Tundo Maynila.

Kinilala ni MPD Station 1 commander Supt Jay Dimaandal ang mga suspek na sina Isagani Dalena 29-anyos, assistant cook at residente ng 1647 Int.8 F. Varona st at Rodbey Pusiso 26 ng 1603 Int 4 F.Varona Tundo Maynila.

Ayon kay MPD PS1 Investigation section P/Insp Sugui, nganap ang insidente dakong 5:30am sa kahabaan ng Panday Pira st Tundo kung saan tinangay ng mga suspek ang isang Yamaha Mio Soul na may plakang XO3625 na pag-aari ng isang pulis na si PO2 Eric Madarang ng QCPD Kampo Krame.

READ MORE:  Sabi ni Trillanes: Pahayag nina Dayan at Espinosa kontrolado

Masuwerte namang namataan ng kaanak ng biktima ang pagtangay ng motorsiklo ni Madarang at mabilis na humingi ng saklolo sa barangay na agarang nag-paayuda kay Supt Dimaandal.

READ MORE:  Facebook, Google pumalag kay Uncle Sam

Kasunod nito, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ni Dimaandal kung saan inabutan pa sa kabilang kalsada na tinutulak ng dalawang suspek ang tinangay na motorsiklo.

Sa kapanayam sa dalawang suspek ay kapwa inamin nman nito ang ginawang krimen, dipensa ng mga suspek ay ‘napagtripan! lamang raw nila na tangayin ang motorsiklo bunsod ng kanilang kalasingan, bagay na hindi lulusot sa batas at otoridad.

READ MORE:  Janitor todas sa karera ng 2 sasakyan

Nabatid rin sa otoridad na drug personality rin umano ang isa sa dalawang suspek na may kinalaman sa kalakaran ng iligal na droga.

Kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ang mga suspek habang narekober naman ang ninakaw na motorsiklo.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved