Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erich, may dumadalaw na naka- private plane sa Siargao shoot
Erich, may dumadalaw na naka- private plane sa Siargao  shoot

Erich, may dumadalaw na naka- private plane sa Siargao shoot

ALIW si Kris Aquino sa pagsasabing, kung gusto mong balikan ka ng ex mo, yayain mong manood ng Siargao at siguradong pagkatapos manood ay ‘kayo’ na ulit.

“Please do watch ‘Siargao’, it’s a great date movie and kung mayroon kayong gustong balikan o gusto ninyong makipagbalikan to someone, yayain n’yo manood ng ‘Siargao’ (sabay tawanan ang lahat ng nasa loob ng sinehan) kaya habang nanonood lahat ng pagsisisi tapos paglabas n’yo ng sinehan, nagkabalikan na kayo,” pag-iimbita ng biggest influencer sa Online World at Social Media ngayon.

Kaya balik-tanong namin kay Erich Gonzales ay kung sino ang yayayain niya at sandali siyang hindi nakasagot sabay salo siya ni Kris, “wala na siyang yayayain ngayon!”

Dahil may dumadalaw na ngayon kay Erich noong isinu-shoot nila ang pelikulang Siargao.

Pambubuking ni Kris, “inside scoop, mayroon daw dumadalaw sa ‘yo sa ‘Siargao’, sino ‘yun?”

Nagulat si Erich at sabay sabing, “bawal, walang dumadalaw!” pero giit ni Kris, “mayroon, naka-private plane!”

“I’m not saying kung sino, I’m just saying, now you understand why galit na galit ako roon sa gumagawa ng intriga about her at ‘yung mga inaanak kong sina direk Paul (Soriano) at si Celestine (Toni Gonzaga).”

Sabi rin ni Erich, “Sabi ko kasi kay ate Kris, okay lang ‘yan, bahala sila. Pero sabi niya, ‘no! Hindi puwedeng bahala na.”

Katwiran ni Kris, “hindi puwede. Dapat ‘yung mga fake news na ganyan, nip it in the bud because you have to live your truth. At inimbestigahan ko rin naman, tumawag ako sa inaanak ko, sinabi ko kay Celestine, ‘ano na? Tapos sabi niya (Toni), ‘ate may dalaw ng dalaw sa kanya naka-private plane. So wala ako talagang pangamba at all.’  

“Kaya sabi ko, ‘thank you Lord, thank you God, thank you so much. Tingnan n’yo naman ‘yung ngiti (Erich), marunong si God. God knows, God has his way and talaga she (Erich) didn’t stop praying and she brought Bimb (church).”

READ MORE:  KC, di magpapatalo kay Kim sa mas lalong kaabang-abang na “Ikaw Lamang”

At pagkatapos ng meryenda sa bahay ni Kris ay umalis na rin si Erich dahil may date siya sa dumadalaw sa kanyang naka-private plane.

Bakit namin nasabi dahil nadulas ng sagot ang dalaga sa tanong ni Kris, “o, hindi ka magbibihis, ‘yan na suot mo?”

Kaswal na sagot ng dalaga, “oo ito na, kung talagang gusto niya ako, maski anong suot ko.”

Kaya hirit namin kay Erich, ‘aha, may date ka pala, saan nahuhuli ang isda?’ at natawa na lang sa amin ang aktres.

KRIS NAPAIYAK
SA SIARGAO, 43
BESES NAPA-WOW!

GOING back to blocked screening, gandang-ganda si Kris habang pinanonood ang pelikula na ayon kay Erich ay umabot sa 43 beses na binanggit ng ate niya ang, ‘ang ganda, wow!’

Pag-amin ni Kris, “I’ve been to Siargao but dito ko nakita kung gaano kaganda siya talaga, grabe! It is beautiful! 

“Sa inaanak kong si direk Paul Soriano, I was just so amazed with how beautiful the cinematography was. I think that’s what a movie should be, It should transport you ‘di ba, dapat ‘yung movie madadala ka roon sa lugar and it has make you fall in love with the place.

”Kasi it makes you proud Pinoy kasi marami na akong napuntahang  beaches sa ibang Asian countries, ang layo! No offense, love you all but love your own. Ang ganda talaga, amazing talaga ‘yung mga drone shots and she (Erich) can’t swim, the very fact na nagawa niyang mag-surf, I’m so proud of you.

“The plot is simple and I think that has made it beautiful because hindi maraming characters na mahihilo-hilo ka. It focusses talaga in four people basically and nagulat ako na ‘’yung participation ni Enchong ay na-appreciate ko kasi grabe naman tanggapin ka pa niya ulit after mo siya hiniya ng ganoon.”

READ MORE:  Kambal na magkaiba ang ama, posible nga ba?

Napansin nina Erich at Bimby na napaluha si Kris sa eksenang nag-propose si Enchong Dee kay Erich sa pelikula na tinanggihan naman ng dalaga.

Pag-amin ni Kris, “I think lahat tayo nakare-relate sa story dahil lahat tayo mayroong pinanghihinayangan. Wala lang gusto ko! Hayaan mo na, hayan naluha na naman ako. May I cry-cry talaga ako. Basta let’s keep the privacy for 2018 sana sa birthday ko, ha, ha, ha.”

Hindi na nag-elaborate pa si Kris kung sino ang taong pinanghihinayangan niya para walang isyu.

Pinansin din ang magandang hubog ng katawan ni Erich sa pelikula habang nakasuot ng two piece.

“Kaya nga hindi ko na lang inaway (mga basher) ‘yung mga nagsabing photoshop lang ‘yung calendar ni Erich sa Tanduay kasi I saw the raw footage, I saw the shots because ‘yung stylist niya, stylist ko rin so they have the raw shots and I saw na rin, oh hello?” kuwento ni Kris.

At ang masasabi ng Queen of Online World at Social Media tungkol sa pelikulang Siargao, “this movie teaches you about humility kasi lahat tayo, we had our ‘yabang moments’ in our lives that we want to make up for and acknowledging kung kailan ka nagkamali and trying your best to make up for it. Na-impress ako kasi everybody (cast) acted so naturally, Ikaw si Jasmin (Curtis Smith), si Echo (Jericho Rosales). Magaling si direk Paul kasi nagawa niya in such a way that I didn’t feel your acting.”

Pero kahit na nagandahan si Kris sa Siargao ay wala siyang planong pumunta roon.

“I don’t want to go because I’ll drown, ha, ha, ha, magpaka-totoo tayo, I cannot swim. Baka may magalit sa akin itulak ako dead na ako at lahat sila (sabay turo sa staff) wala ng jobs, pero gandang-ganda talaga ako sa over all. Now, naiintindihan ko na why the word of mouth is so great and I just want to congratulate your entire team, lahat ng bumuo ng ‘Siargao,’” tumatawang sabi ni Kris.

READ MORE:  AlDub, binubuwag na?, Alden, ‘di muna pinagre-report sa EB

Umabot naman na as of this writing sa 192,770 views ang in-upload ni Kris sa kanyang IG account sa panayam niya kay Erich pagkatapos mapanood ang pelikula.

VICE GANDA, INABOT
NG 4.4 LINDOL SA SF 

MABUTI na lang at nasa loob na ng bahay nila sina Vice Ganda at pamilya nito sa San Francisco Bay Area, USA nang magkaroon ng lindol na umabot sa 4.4 magnitude na tumagal ng sampung segundo base sa report ng NBC News.

Bale ba ang saya-sayang ipino-promote pa ni Vice ang pelikula nila nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na Gandarrapiddo The Revenger at pinasasalamatan ang lahat ng nakapanood na.

At pagkalipas ng 20 oras ay nag-tweet na si Vice ng, “O my God ang lakas ng lindol dito sa San Francisco. Kala ko may multong yumugyog ng kama ko. Nakakastress!!! Lord keep us safe.”

Pawang panalangin ang ipinaabot ng followers ni Vice sa kanya at pag-iingat.

Nag-text kami sa kampo ni Vice at tinanong kung okay naman na sila sa Sanfo, “yes okay naman sila.”

As of now ay ini-enjoy pa ng Unkabogable Phenomenal Star ang bakasyon niya sa Amerika kasama ang mother dear niya at mga kaanak dahil pagbalik niya ng Pilipinas sa Lunes, Enero 8 ay back to work na naman siya lalo’t nagsimula ng umere ang Pilipinas Got Talent Season 6 ngayong gabi at bukas.

Bagama’t hindi pa rin naglalabas ng figures ang Metro Manila Film Festival kung magkano na ang kinikita ng mga pelikula ngayon ay marami na ang nagsabing nasa P500-M na ang Gandarrapiddo The Revenger kaya panay ang pasalamat ng TV host sa lahat ng sumuporta.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved