Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Totoy dedbol sa bundol ng SUV
Totoy dedbol sa bundol ng SUV

Totoy dedbol sa bundol ng SUV

BINAWIAN ng buhay ang isang 12-anyos bata nang mabasag ang bungo makaraan mabundol ng isang SUV sa Roxas Boulevard, Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa testigong si Mark Ordano, tumatakbong naglalaro ang biktima kasama ang apat iba pang mga bata bago maganap ang insidente.

READ MORE:  Yasay sa DFA tuluyang ibinasura

Nabundol ang bata ng isang itim na SUV nang tumawid siya mula sa northbound ng Roxas Boulevard papuntang southbound.

Sinasabing hindi huminto ang SUV na minamaneho ng isang 17-anyos binatilyo, ayon sa isa pang testigo na si Ariestedes Calaustro.

READ MORE:  P4.8-B PDAF ibigay sa quake, Yolanda victims

Sumuko ang binatil-yong driver sa pulisya makaraan ang insidente.

Ayon sa kaniyang abogado, natakot ang suspek na baka kuyugin kaya hindi huminto.

Depensa ng abogado, banayad lang ang takbo ng SUV. Labis ang paghihinagpis ni Danilo Vargas, ama ng biktima.

READ MORE:  Ex-SolGen Chavez pumanaw na

“Patawid lang siya sa daan tapos iyon nakita ko na. Sinabi na sa akin na patay na. May basag na iyong ulo,” aniya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved