Thursday , April 25 2024

Paglaki ng tiyan ni Ellen, ‘di pa kita

BAKIT parang hindi naman buntis si Ellen Adarna sa pictures nila ni John Lloyd Cruz sa Instagram nila (@ma.elena.adarna; @ekomsi) na supposedly ay sinimulan nilang i-post noong December 23 pa?

Sa pic na ipinost ni Ellen noong December 24, nakapantalon siya na hindi pambuntis, medyo masikip, at very romantic na nakaupo sila sa tuktok ng isang hagdanan na parang nasa loob ng isang bahay (may mga tsinelas sa mga baytang ng hagdan. Simpleng “Merry Christmas” ang caption ng litrato.

Actually, si John Lloyd ang unang nag-post ng dalawang pictures ni Ellen noong December 23 pa. Parang nasa isang gallery si Ellen at may tinitingnan siyang framed artworks na nakasabit sa dingding. Walang caption ang pictures, kaya walang impormasyon kung saan at kailan kinunan ang mga ‘yon. Hindi siya mukhang buntis at all sa pics na ‘yon: naka-bestida siya na parang pormal pero masikip. Walang nakabukol sa tiyan n’ya.

Ang isa pang mahiwagang picture na ipinost ni Ellen ay noong December 27 na: biglang nasa Zermatt, Switzerland na sila! Sa pic na yon, hinahalikan ni John Lloyd si Ellen. Hanggang mga balikat lang nila ang pic, kaya ‘di makita kung buntis nga si Ellen.

Parang malamig na malamig sa lugar na ‘yon sa Switzerland. Naka-skii bonnet ‘yung dalawa at nakasuot ng makakapal na jacket.

Puwede bang humara-hara, rumampa-rampa sa snow ang babaeng buntis?

O sinadya bang ilabas ni Ellen ngayong Disyembre ang mga picture n’ya na wala siyang kabukol-bukol sa tiyan para patunayan na tinupad n’ya ang umano’y isang endorsement contract n’ya na ‘di siya puwedeng mabuntis hanggang December 31, 2017?

Sa kalagitnaan kaya ng Enero o Pebrero ay magpo-post na si Ellen ng pictures n’yang malaki na talaga ang tiyan?

Abangan!

DEREK, SUWERTE
KAPAG
SECOND CHOICE

DAHIL nagwagi na naman siya ng award para sa pelikulang second choice lang siya, worried si Derek Ramsay sa magiging resulta ng pelikulang nakatakda na n’yang gawin na first choice siya para gumanap.

“The movie I am doing next is the first movie I’m going to be doing as the first choice. So I don’t know, maybe second choice is lucky for me,” pahayag n’ya offstage matapos manalong Best Actor para sa 2017 Metro Manila Film Fest entry nila ni Jennylyn Mercado na All of You.

Si Jericho Rosales ang first choice para sa All of You.

Hindi nabanggit ni Derek ang titulo ng gagawin pa lang n’yang pelikula na first choice siya. Ang pagtanggap n’ya ng Best Actor trophy noong awards night ng 2017 MMFF ang napag-ukulan n’ya ng pansin dahil kasama pala n’ya ang anak n’ya (na lalaki) noong gabing ‘yon.

Pahayag nga n’ya noong tinanggap ang award: “I’m very very proud today. I want to dedicate this to my son because he’s here with me. It’s perfect timing. God is great because I haven’t seen him in two years and he’s here to witness his dad here up onstage to be receiving a prestigious award.”

Austin ang pangalan ng anak n’ya. Ang ex-wife n’yang si Mary Christine Jolly ang ina ng bata. Noong 2014 ay nasangkot ang dating mag-asawa sa isang custody case na may kaugnayan kay Austin. Nagkakasundo na sila ngayon kaya nakapiling ni Derek ang anak n’ya noong Kapaskuhan.

Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pagkakasundo nila kahit na may ka-live in na ngayon si Derek na girlfriend na foreigner. Maraming biyayang naidudulot ang pagpapatawaran at pagkakasunduan. Hayan nga’t may pelikula na si Derek na siya ang first choice. Baka hindi naman siya dapat mag-alala na ‘di kikita at ‘di mapupuri ang unang pelikulang gagawin n’ya ngayong 2018.

Nabanggit nga pala ni Derek na hangad n’yang magkapelikula na kasama si Jericho dahil sa isang teleserye pa lang n’ya nakasama ito noon sa Kapamilya Network. Posible ngang magkasama sila ni Jericho sa paglaon dahil nagbalik-Kapamilya Network na si Derek.

At kahit nga pala may pelikula na siyang siya ang first choice, handa pa rin siyang tumanggap ng project na second choice lang siya.

“You know, most of the projects that I’ve done, I’ve always been second choice. It’s not something to be ashamed of. You’re blessed that it went to you. So galingan mo ‘yung trabaho, pagbutihin mo, and when you do that, great things can happen to you,” giit n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *