Categories: Opinion

Mabantot ang Kamara kompara sa Senado

Share

NANGANGAMOY na parang mabahong basura ang Kamara kung ikokompara sa Senado.

Ang ibig sabihin, kung performance at lide­rato ang pag-uusapan, higit na mayroong maipagmamalaki ang mga senador kaysa mga kongresista.

Kaya nga, hindi dapat ipagmayabang nitong si Speaker Pantaleon Alvarez  na marami silang naipasang panukalang batas o resolusyon dahil nasusukat ang performance ng lehislatura sa pamamagitan ng kalidad ng mga naipapasang batas.

Sa kasaysayan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, maituturing na pinakamagulo at pinaka bastos ang Kamara ngayon sa pamumuno ni Alvarez.

Hindi ito kinakitaan ng mabisa at maayos na liderato bagkus ipinaiiral nito ang kamay na bakal, bukod sa hindi kayang mapagkaisa ang mga miyembro ng Kamara.

Sa ilalim ng pamunuan ni Alvarez, ang kabastusan nito ay naipakita nang aminin niyang mayriin siyang ‘kabit’ habang legal pa siyang kasal sa kanyang misis na si Emelita.

Sa halip na atupagin ang pagpapasa ng mga kalidad na batas, ang pakikipag-away sa kapwa kongresista ang kanyang ginawa.

Tama ang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na “thinking chamber” ang Senate at hindi basta-basta nagpapasa ng mga panukalang batas kung hindi rin lamang masa­sabing matinong batas na kapaki-pakinabang sa taongbayan lalo na kung ito ay tuluyang ipa­tutupad.

Ang kapal ng face nitong si Alvarez nang sabihin na “8” ang grado ng Kamara sa scale na 1 to 10 at 10, kung performance ang pag-uusapan. Hindi na naisip ni Alvarez ang kahihiyang ginawa niya kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang sibakin niya si dating Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang chairmanship, at ipakulong ang “Ilocos 6” na pawang kaalyado ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Sabi nga, saan kumukuha ng kapal ng mukha itong si Alvarez? Hindi pa ba sapat ang SWS at Pulse Asia survey na lagapak ang kanyang performance rating noong Oktubre?

Ang trust rating nitong si Alvarez sa survey ng Pulse Asia ay bagsak sa 31 percent mula sa 41 percent at ang approval rating naman ay 33 percent na dating 43 percent.

Ganoon din ang kanyang performance ra­ting sa SWS na mula sa 34 percent ay sumadsad sa 26 percent. Ito ang itinuturing na pinakamababang nakuha ni Alvarez  bilang speaker ng Kamara noong nakaraang taon.

Hindi ba ang performance ni Alvarez ay repleksiyon lamang ng kanyang pamamalakad sa Kamara?

Kung tutuusin, hindi lamang si Alvarez ang dapat sisihin kung bakit sadsad ang performance ng Kamara kundi pati ang kanyang alalay na si Majority Floorleader Rodolfo Fariñas. Marami rin kapalpakan ang isang ito na sa huli ay si Digong ang nasisisi.

Bagamat maraming naging matagumpay na tanggapan at ahensiya ang kasalukuyang administrasyon nitong nakaraang 2017, abangan na lang natin ang gagawing “purging” ni Digong sa ilang tanggapan na nagbibigay ng sakit ng ulo at kahihiyan sa pangulo.

COMMENTS
Mat Vicencio

Published by
Mat Vicencio

Recent Posts

Kris, na-inspire kay Ellen DeGeneres

NA-INSPIRE si Kris Aquino sa American TV host na si Ellen Degeneres sa ginagawa nitong pamimigay ng regalo sa 12 days of Christmas Giveaways sa programa… Read More

1 day ago

Martin at Gary, inisnab ng audience; Vice at Coco, tinilian, pinagkaguluhan

NALUNGKOT kami para kina Martin Nievera at Gary Valenciano dahil nang una silang tawagin para sa production number nila sa nakaraang Family is Love:  The… Read More

1 day ago

Vice Ganda tiwala sa kanyang MMFF entry na “Fantastica”

MAS tripleng nakatatawa raw ang MMFF entry ngayong taon ni Vice Ganda na “Fantastica,” produced pa rin siyempre ng Star… Read More

1 day ago

Dovie San Andres, gustong makasama sa movie ang idol at kaibigang si Rez Cortez

TOUCHED ang controversial personality sa social media na si Dovie San Andres at hanggang ngayon ay nakasuporta sa kaniya ang… Read More

1 day ago

Filmmaker Direk Reyno Oposa, lalagari sa paggawa ng movie ngayong 2019

NEXT year, 2019 ay mas magiging in-demand si Direk Reyno Oposa sa paggawa ng pelikula at lalong na-inspired ang Toronto… Read More

1 day ago

Coco at Maine, di puwedeng i-link dahil magkamag-anak

HINDI bagay na i-link sina Maine Mendoza at Coco Martin, dahil magkamag-anak pala ang dalawa sa bida ng pelikulang ‘Jack… Read More

1 day ago