Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Janitor nanakawan ng P16,000 cash (Sa Pag-IBIG card)
Janitor nanakawan  ng P16,000 cash (Sa Pag-IBIG card)

Janitor nanakawan ng P16,000 cash (Sa Pag-IBIG card)

NAGREKLAMO sa pulisya ang isang janitor nitong Huwebes, makaraan manakawan nang mahigit P16,000 cash loan mula sa kaniyang Pag-IBIG Fund card.

Salaysay ng biktimang si Joseph Vega, 45, nitong Disyembre inaprobahan ang kaniyang P39,400 loan na natanggap niya sa cash card.

At nitong 22 Disyembre, tatlong beses siyang nag-withdraw gamit ang card sa dalawang mall sa Quezon City.

Ginamit din niya ang card nang bumili siya ng cellphone at data plan.

Pagkaraan, nagtira si Vega ng P16,000 sa card para sa matrikula ng kaniyang anak sa kolehiyo ngunit nagulat siya nang makitang P10 na lang ang balanse nitong Martes.

Ipina-check niya sa banko ang card at natuklasan niyang nagamit ito sa ibang transaksiyon, kabilang ang online purchases sa Makati, Quezon City at Sweden.

Sinubukan din aniyang gamitin ang card para sa transaksiyon sa Amerika kahit wala na itong balanse.

Nagpa-blotter si Vega sa pulisya at hiniling na suriin ang CCTV footage sa mga lugar na ginamit ang kanyang Pag-IBIG Fund card.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved