Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8 patay, 5 sugatan sa sumabog na vintage bomb (Sa Zamboanga del Norte)
8 patay, 5 sugatan  sa sumabog na vintage bomb (Sa Zamboanga del Norte)

8 patay, 5 sugatan sa sumabog na vintage bomb (Sa Zamboanga del Norte)

WALO katao ang namatay habang lima ang su-gatan nang sumabog ang isang vintage bomb sa bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte, nitong Miyerkoles ng hapon.

Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente si Marcelo Antogon, magkapatid na binatilyong sina Roel at Ladi Balamban, si Robert Timbulaan at kanyang dalawang batang kapatid na 6 at 9 anyos.

Hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktimang nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sinabi ni Sirawai Ma-yor Gamar Janihim, si Antogon, isang rubber tapper sa Sirawai Plywood and Lumber Corp, ay natagpuan ang 81-mm mortar sa ilog sa Sitio Washington, Brgy. Guban.

Ayon kay Janihim, dinala ni Antogon ang bomba sa kanilang bunkhouse na tinutuluyan ng mga kapwa niya empleyado.

Sa loob ng bunkhouse, tinangkang buksan ni Antogon ang bomba gamit ang pako at martilyo.

Makaraan ang ilang segundo, sumabog ang bomba na ikinamatay ng mga biktima.

Limang iba pa ang sugatan sa nasabing pagsabog.

Ayon sa mga awtoridad, hindi ipinabatid ni Antogon sa kanyang mga kasama ang hinggil sa natagpuang bomba.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved