Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yelo sa Japan, natunaw sa ka-sweetan ng JoshLia
Yelo sa Japan, natunaw sa ka-sweetan ng JoshLia

Yelo sa Japan, natunaw sa ka-sweetan ng JoshLia

SA Hokkaido, Japan inabot ng New Year  2018 ang mag-sweetheart na sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Nagyeyelo man ang islang ‘yon dahil winter nga roon, ang init-init naman ng pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Nakakikilig ang mga litrato nilang magkasama na ipino-post nila sa kanilang mga Instagram [@juliabarretto, @garciajoshuae]. Parang wedding vows ang tunog ng mga caption nila sa pictures.

Pahayag ni Julia sa caption ng picture nila ni Josh na ipinost n’ya noong December 31: “Ringing in the new year with the person I shared the most magical moment this year. Thankful for you.”

Sa litratong ‘yon ay magka-holding hands sila ni Joshua sa gitna ng nagyeyelong ski resort sa isla.

Sa post naman ni Josh ng litrato nila na nakahiga sa snow at may suot ng mga jacket na ang kakapal, pahayag ng batang aktor: “Happiness is a choice, and this is mine.”

Hindi na kailangang umamin sa madla nina Julia at Josh. As the saying goes: A picture is worth more than a thousand words.

Oo nga pala, hindi naman silang dalawa lang ang magkasamang nag-holiday sa Japan. Marami silang kasama, kabilang na ang ina ni Julia na si Marjorie at ang best friend ni Julia na si Erich Gonzales.

PAGHINGI
NG TAWAD NI DANI,
IDINAAN SA IG

HETO naman ang balita tungkol sa isa pang anak ni Marjorie: si Dani, na ang ama ay si Kier Legaspi. Si Dani ang panganay na anak ni Marj.

Lumiham siya sa kanyang ina noong December 31. Liham na humihingi ng patawad sa butihin ina.

Sa pamamagitan ng Instagram ipinaabot ni Dani ang kanyang saloobin. Aniya: “To my ever so patient mother, I owe you an apology for the pain I’ve caused you this year. No need to elaborate. Thank you for your patience, undying love and forgiveness.

“It was always just you and me from the start, and until the end of time, no matter where life takes me. You will always be my home. I love you so much.

“I promise this year will be better.”

Napakagandang pagsisimula ng Bagong Taon 2018. Malamang na mapayapa at maginhawang 2018 ang tatahakin, daranasin ni Dani.

PAULO AVELINO,
PINURI NI LEA

KAPURI-PURI at napaka-sensible talaga ng Pinoy International Star na si Lea Salonga. Alam n’yang ‘di lang ang pagwawagi ng major awards ng Ang Larawan ang magpaparami ng viewers at sinehan nito sa ongoing pa rin na Metro Manila Film Festival. 

Mas kailangang ipabatid sa madla na mahuhusay din ang performance sa pelikula ng mga aktor na mas kilala nila kaysa stage actors na mas nakararami sa cast, gaya nga ni Joanna Ampil na nagwaging Best Actress. At ‘yon nga ang ginawa ni Lea: pinuri n’ya sa sunod-sunod na tweets ang acting ni Paulo Avelino bilang Tony Javier sa Larawan.

Take note: hindi ang pagkanta ni Paolo ang pinuri n’ya, kundi ang acting n’ya.

Giit ni Lea sa kanyang Tweeter account noong 7: 30 a.m. ng December 30: ”If you’re a fan of #PauloAvelino, I urge you to watch his stellar performance in #AngLarawan. He doesn’t sing as well as the others, but his acting! He will be one of the greatest as he continues to grow!!!”

Sinundan ito ng tweet n’ya noong 12: 30 p.m. ng December 30 din. Tweet na ipinadala n’ya kay Paulo mismo. Heto ‘yon: “@mepauloavelino Hello, Paulo, allow me please to wish you CONGRATULATIONS on your achievement in #AngLarawan. Your work was absolutely riveting to watch. Without a doubt, you will be one of the greatest actors of your generation. From your fan, Lea Salonga.”

Tweet pa rin ni Lea noong 1:56 a.m. ng December 31: “Here’s the thing. He knows how to blur the line between good and bad, black and white, taking advantage of all those shades of gray. It’s incredible to watch.”

Agad n’yang dinugtungan ‘yon ng: “I mean, his acting skills are beyond what I would ever expect from an actor his age. He’s not a singer, but he is an exceptional actor.”  [ 1:57 AM – Dec 31, 2017  ]

Sugod na sa mga sinehan. Nadagdagan na ang pinaglalabasan ng Ang Larawan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved