Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice, wish maka-P1-B ang The Revenger Squad (P400-M na ngayon)
Vice, wish maka-P1-B ang The Revenger Squad  (P400-M na ngayon)

Vice, wish maka-P1-B ang The Revenger Squad (P400-M na ngayon)

NAG-TWEET na si Vice Ganda na umabot na sa P400-M ang kinita ng Gandarrapiddo The Revenger Squad as of today.

Tweet ng Unkabogable Phenomenal Star, “400Million THANK YOUs mga ka-SQUAD!!!! Kaway kaway mga members ng #TeamHappy !!! Ravaaaan!!!”

Hanggang Enero 7 pa ang Metro Manila Film Festival at tiyak extended sa mga sinehan ang pelikula nina Vice, Pia Wurtzbach, at Daniel Padilla mula sa Starcinema at Viva Films na idinirehe ni Joyce Bernal.

Ang wish ng TV host ay umabot sa P1-B ang The Revenger Squad para ma-break na nito ang sarili niyang record noong 2016 na The Parental Guardians kasama si Coco Martin.

Bale ba noong Disyembre 29 ay nasa P300-M palang kita ng pelikula base sa tweet ulit ni Vice, “300Million THANK YOUs ang nais kong iparating sa lhat ng Madlang People na nanuod ng #TheRevengerSquad sa nakalipas na 5 days. Hayabayabayu!”

At sa loob ng tatlong araw ay P100-M na ang nadagdag? Eh, sobrang lakas nga kung gayon ng pelikula ni Vice.

Sa tingin mo Ateng Maricris, aabot nga sa P1-B ang Gandarrapiddo The Revenger Squad?

Anyway, maraming nag-aabang kung magkano rin ang kinita na ng Ang Panday ni Coco?

RITZ, HAPPY
SA BAGONG ‘BABY’
SA PAMILYA

MAY IG post ang aktres na si Ritz Azul na may inaalalayang batang babaeng naglalakad na tinawag niyang Rizpah.

Ang caption ni Ritz, “best gift that we received from God in 2017. Ang sarap magkaroon ng kapatid! Okay lang maging yaya basta wag makulit. I love you sooo much, Rizpah! Wag kang magmadaling lumaki ha, kahit 2018 na. 2018, surprise us (in a nice way, please) #AlzulSisters #RitzPahTandem #gratefulThanks be to God!”

Tama ba Ateng Maricris, nag-iisang anak si Ritz kaya bantay sarado siya ng magulang niya sa showbiz commitments kaya nga since birth ay wala pa siyang naging boyfriend?

Sa madaling salita, nag-ampon ang magulang ni Ritz ng baby sister niya?

Good thing na parating napapanood si Ritz sa Banana Sundate tuwing Linggo at never nawala sa paningin ng lahat dahil ‘pag nagkataon, mapagkakamalang anak niya ang bagong baby sa pamilya nila.

SAM LOVELESS,
SA MAGULANG
TUMAKBO
NOONG PASKO

SA piling ng magulang niya sa Ohio, USA nag-celebrate ng Bagong Taon si Sam Milby base sa tweet niya, “travel home to Ohio & surprise the parents for Christmas – Success.”

Pero bago nangyari iyon ay kasama niya ang Cornerstone family sa pangunguna ng manager niyang si Erickson Raymundo sa New York City, USA na roon sila nagselebra ng Pasko.

May show kasi roon sina Erik Santos at Angeline Quinto kaya join na rin si Sam at saka tumuloy sa Ohio noong Disyembre 26.

Obviously, loveless si Sam ngayon kaya may post siyang litrato sa Times Square at lusaw ang paligid na naka-look up at may caption na, “Hello 2018.”

Pero mukhang hindi ang lovelife ang priority ngayon ni Sam ngayong Year of the Dog dahil magiging abala siya sa kanyang career lalo na’t ipalalabas na rin ang pelikula nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Films na may titulong Pambansang Thirdwheel na binago na mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.

Maraming projects din na nakalinya ang bagong production house na itinayo nilang tatlo nina Angelica Panganiban at John Pratts na Bright Bulb na sila-sila rin ang gumagawa.

Si Sam ang taga-edit ng music videos na idinidirehe ni John at si Angelica naman ang production manager na sa kani-kanilang mga bahay muna nila ginagawa dahil wala pa silang nakikitang opisina.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved