Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sam loveless, sa magulang tumakbo noong Pasko
Sam loveless, sa magulang  tumakbo noong Pasko

Sam loveless, sa magulang tumakbo noong Pasko

SA piling ng magulang niya sa Ohio, USA nag-celebrate ng Bagong Taon si Sam Milby base sa tweet niya, “travel home to Ohio & surprise the parents for Christmas – Success.”

Pero bago nangyari iyon ay kasama niya ang Cornerstone family sa pangunguna ng m

May show kasi roon sina Erik Santos at Angeline Quinto kaya join na rin si Sam at saka tumuloy sa Ohio noong Disyembre 26.

Obviously, loveless si Sam ngayon kaya may post siyang litrato sa Times Square at lusaw ang paligid na naka-look up at may caption na, “Hello 2018.”

Pero mukhang hindi ang lovelife ang priority ngayon ni Sam ngayong Year of the Dog dahil magiging abala siya sa kanyang career lalo na’t ipalalabas na rin ang pelikula nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Films na may titulong Pambansang Thirdwheel na binago na mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.

Maraming projects din na nakalinya ang bagong production house na itinayo nilang tatlo nina Angelica Panganiban at John Pratts na Bright Bulb na sila-sila rin ang gumagawa.

Si Sam ang taga-edit ng music videos na idinidirehe ni John at si Angelica naman ang production manager na sa kani-kanilang mga bahay muna nila ginagawa dahil wala pa silang nakikitang opisina.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved