Categories: Opinion

Kahirapan lalaganap, patitindihin ng TRAIN

Share

MUKHA yatang hindi maganda kung ‘di man malas ang pagsalubong sa taong 2018 para sa sambayanang Filipino.

Ikalawang araw pa lang ng Enero ay sinalubong na tayo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

May dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang huling nagmahal ang mga produktong petrolyo at simula kahapon ay P0.20 na naman ang itinaas ng gasolina kada litro.

Tumaas naman ng P0.65 ang krudo (diesel) na gamit ng mga pampublikong sasakyan, habang P0.75 ang gaas (kerosene) na kalimitang panggatong na gamit ng mahihirap nating kababayan.

Gusto pa ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na pasalamatan natin ang gobyerno dahil ang pinakahuling price increase sa oil products ay hindi pa raw nakabase sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Sa ilalim ng bagong sistema ng pagpapataw ng panibagong mga buwis sa TRAIN na nilagdaan ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte noong December 19, 2017, aabot sa P6 excise tax ang inaasahang itataas sa oil products at iba pang mga produkto sa loob ng susunod na tatlong taon, kasama ang pagbili ng mga bagong sasakyan.

Kaya asahan na natin ang lalong pagtindi ng kahirapan na siguradong lalaganap sa bansa oras na maipatupad ang TRAIN, dalawa hanggang tatlong buwan mula ngayon.

Lalo lang magiging miserable ang pamumuhay ng mamamayan dahil sa domino effect ng TRAIN sa ipapataw na excise tax sa oil pro­ducts.

Tiyak na ang nakaambang pagsasamantala sa serbisyo ng koryente, tubig at iba pa, kasama ang serbisyo sa mga ospital at presyo ng mga gamot.

Kaya hindi na natin kailangan maging ekonomista para mahulaan ang bigat ng pamumuhay na ating sasagupain dahil siguradong hindi mapipigil ang magiging sunod-sunod na pagsirit sa presyo ng mga bilihin at lahat ng bayarin sa serbisyo.

Sa panahon ni yumaong dating Pang. Ferdinand E. Marcos hindi dinanas ng mamamayan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng oil products dahil may sarili tayong kompanya noon – ang Petron – na ibinenta ni dating Pang. Fidel V. Ramos.

Si dating Pang. Cory Aquino naman ay binuwag ang Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na itinatag ni Marcos para abonohan at sumagot sa pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo upang hindi makaapekto sa publiko.

Binuwag din ng administrasyon ni Cory ang batas na nagsisilbing proteksiyon ng mamama-yan laban sa pagtataas ng oil products at ipinatupad ang oil deregulation law.

Si Marcos mismo at hindi ang mga sumunod na pangulo ng bansa ang dapat tularan ni Pang. Digong sa pangangalaga sa interes ng publiko at pagpapahalaga sa kapakanan ng mamamayan.

BSP NAKAHIHIYA!

NABAHALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos kumalat sa social media ang kop­ya ng bagong P100 bills na wala ang ilang mahahalagang safety features ng pera.

Ang masagwa pa, ultimo larawan ni dating Pang. Manuel A. Roxas na mismong kumakatawan sa halaga ng P100 bilang salaping pambayad ay wala rin.

Nananawagan sa publiko ang BSP na itigil ang pagpapakalat sa larawan ng mga dispalinghadong P100 bills sa social media.

Kesyo baka raw magamit ito ng mga nagna-nais maghasik ng kalitohan para pagkakitaan ang dispalinghadong P100 bills na inimprenta ng BSP.

Inalintana rin kaya ng BSP ang nadamang pagkabahala at pagkalito nang mapasakamay ng tao ang dispalighadong P100 bills?

Una vez, wala namang inilabas na advisory ang BSP para ipabatid sa publiko na may nailabas silang P100 bills at kung ano ang dapat gawin sakaling mapasa-kamay ito ng sinoman.

Ano’ng malay ng taong nakahawak ng dispalinghadong P100 bills kung peke o hindi ang hawak niyang pera?

Ayaw lang umamin ang BSP sa malaking kahihiyan na inabot nila kaya’t pinalalabas na makaaapekto  umano sa intergridad ng pera ang pagkalat ng mga larawan ng dispalinghadong P100 bills.

Kung ‘di pa kumalat ang mga larawan ng dispalinghadong pera sa social media ay hindi pa matutuklasan ng publiko na marami palang tanga sa BSP.

‘Buti na lang pala, may social media.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com) 

 

COMMENTS
Percy Lapid

Published by
Percy Lapid

Recent Posts

Globe Telecom 5G readiness recognized by Asia’s top telcos and vendors at TM Forum Digital Transformation Asia 2018

GLOBE TELECOM, along with Singtel and KDDI Research, bagged the Outstanding Catalyst for Innovation award at the TM Forum Digital… Read More

11 hours ago

Globe Telecom legal team nagkaloob ng kagamitan sa Taguig SPED classroom, at teacher training sa cyber wellness

BILANG bahagi ng Globe Telecom’s employee volunteerism program, ang Corporate and Legal Services Group ng kompanya ay nagkaloob ng mga… Read More

11 hours ago

Puso ng Pasko Special ng GMA, inilampaso ang Christmas Presentation ng ABS CBN!

Hahahahahahahahaha! Kabog na kabog Ang Puso ng Pasko Special ng GMA ang Christmas presentation ng ABS CBN. Samantala poised at… Read More

12 hours ago

Not-so-young actress, nasa interesting stage courtesy of her boyfriend?

TALK of the town sa ngayon ang “interesting stage” ng isang not-so-young actress. Parang in absentia kasi siya nitong mga… Read More

12 hours ago

Nadine, hahataw sa 2019

MUKHANG magiging maganda ang pasok ng 2019 kay Nadine Lustre dahil tatlong pelikula ang magkakasunod niyang gagawin. Ang tatlong pelikula ay ang Ulan; ang… Read More

12 hours ago

Jericho, ‘di apektado sa mga basher

HINDI nakaligtas ang isa sa bida ng The Girl in Orange Dress na si Jericho Rosales sa mga namba-bash. Anang actor, ”I’ll be honest with… Read More

12 hours ago