Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Malilisyosong basher, binuweltahan ni Bimby
Malilisyosong basher, binuweltahan ni Bimby

Malilisyosong basher, binuweltahan ni Bimby

ISA ako sa humanga sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby nang diretsahin nito ang mga netizen na kumukuwestiyon sa kanyang pagkatao.

Bagamat 10 taong gulang pa lamang si Bimby, matapang nitong sinagot ang paghuhusga ng ilang malilisyosong basher na nagsasabing bading siya. Alam ni Bimby na bina-bash siya ukol sa kanyang sexuality.

Kaya buwelta sa kanila ng bunso ni Kris, ”Bakit nanghuhusga kayo ng bata?”

Sa video post ni Kris sa kanyang social media account na inilibot niya ang mga netizen sa kanilang bahay, nasabi niyang, ”It’s not easy to be my kids because wherever they go, ‘di ba, may social media, may mga issues, may mga ano…”

“Like, people think, like, I’m homosexual,” sagot ni Bimby sa ina.

“Yeah, don’t be homophobic, right? That’s the whole message and whatever your choice is in life, that’s your choice,” giit naman ni Tetay.

“Why would you judge a child?

“Don’t judge a child and don’t make the decision for the child.

”It’s because we’re still learning about ourselves and puberty hasn’t struck for me yet,” esplika ng bata.

READ MORE:  Zanjoe, mas nag-focus sa pamilya, Bea napabayaan?

Sa sinabing ito ni Bimby, sana’y tigilan na siya ng malilisyosong netizen. Talo pa kayo ng 10 taong gulang sa lawak ng kaisipan at pang-unawa sa mga bagay-bagay.

HOME TOUR VIDEO
NI KRIS, NAG-VIRAL
AT TRENDING AGAD

HINDI kataka-taka na mabilis na nag-viral at nag-trending ang ikatlong bahagi ng Home Tour ni Kris Aquino sa kanyang bahay.

Sa loob ng 24 oras, simula nang in-upload iyon, pinag-usapan na.

Sa Part 3 ng Home Tour, ipinakita ng Queen of Social Media and Internet World ang hapag kainan na roon ginagawa ni Bimby, bunsong anak niya ang kanyang lunch break pagkagaling sa school.

Ipinakita naman ni Bimby ang malaki nilang refrigerator na nakatutuwang sinabi nitong doon niya gustong mag-stay kapag ayaw ng kanyang ina na buksan ang kanilang aircon. Na siyempre, ikinaloka iyon ni Kris.

Pero si Bimby din ang nag-explain kung bakit ganoon, ”because you’re anemic and your medicine.”

Kahanga-hanga rin ang collection ng mugs ni Kris na ang favorite pala niya ay ang Royal Albert.

READ MORE:  Jameson Blake hate ng Elnella fans! 

For sure marami ang naka-relate kay Kris nang ipakita niya ang napakaganda niyang kitchen. Iyon ang pinaka-paborito kong lugar sa bahay niya dahil mahilig din akong magluto.

Ang nakatutuwa, mas mahilig na pala ngayong magluto si Bimby kaysa kanyang ina. At nagliligpit din si Bimby, katuwa.

Hindi na madalas nagluluto on cam si Kris dahil aniya, may isang malaking sorpresa si Kris sa 2018. Kung ano iyon, ‘yun ang ating aabangan.

Aminado naman si Tetay na talagang ginastusan niya ang kanyang kitchen. ”Feeling ko, ‘yung kitchen ang pinaka-center ng house,” sambit niya. ”Rito ko nai-express ang love ko for them.”

Rose quartz ang ginamit ni Kris sa kanyang kitchen at hindi niya alintana kung mahal man iyon.

Ipinakita rin ni Kris ang kanyang bathroom at makikita roon ang napakaraming iba’t ibang klase ng produktong pampaganda. Sabi nga ni Bimby, katulad iyon ng mga kung ano ang nakikita sa Mercury Drug.

Sa kabuuan, talagang hahangaan mo ang napakaganda at malaking tahanan ni Kris.

Kaya hindi rin ako magtataka kung marami rin ang gumaya sa hitsura ng bahay niya.

COCO MARTIN,
NAGLIBOT
SA MGA SINEHAN

PASKO man, hindi pa rin tumigil si Coco Martin sa paglilibot sa iba’t ibang lugar.

READ MORE:  Love scene nina Jericho at Jennylyn sa “Walang Forever” walang halimawan na nangyari

Noong Disyembre 25, nakita namin ang isang post sa social media na binisita niya ang isang amusement park sa Pasay City. Marami nga ang hindi magkamayaw sa pagsalubong sa kanya nang makita ng mga nasa Star City ang pagdating ni Coco.

Nagtungo rin siya sa Rizal Park para batiin ang mga naghihintay na fans.

At siyempre pa, parehong dinumog si Coco sa Luneta at amusement park na pinuntahan niya.

Pagkatapos niyon, pumunta rin siya sa dalawang sinehan sa Quezon City, ang Trinoma at SM North.

Pinasalamatan agad ni Coco ang mga taong nagsadya sa mga sinehan noong Kapaskuhan para panoorin ang kanyang Ang Panday na entry niya ngayon sa Metro Manila Film Festival.

Palabas pa rin ang Ang Panday sa maraming sinehan. Kaya sugod na mga kaibigan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved