Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza at Enrique, nag-Pasko sa London (kasama ang kani-kanilang pamilya)
Liza at Enrique, nag-Pasko sa London (kasama ang kani-kanilang pamilya)

Liza at Enrique, nag-Pasko sa London (kasama ang kani-kanilang pamilya)

“HINDI ba puwedeng magpahinga Reggee Bonoan, Pasko naman? Deserved naman niyong bata!” ito ang diretsong sagot sa amin ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz noong kumustahin namin ang aktres sa kanya noong araw ng Pasko.

Natawa kami dahil ang ibig naming sabihin ay ‘nasaan ang dalaga’ kasi nananahimik ngayong mga panahong ito.



“Nasa London, dream niya ‘yun na dalhin ang buo niyang pamilya sa London at iba pang kamag-anak. Gusto niyang magkakasama sila,” paliwanag ni Ogie sa kabilang linya.

At dahil alam na marahil ng manager ng aktres ang susunod naming katanungan ay siya na mismo ang nagsabing, ”magkasama sila ni Enrique (Gil) sa London, buong family din nandoon, magkikita-kita yata sila roon. Matagal na nilang plano ‘yun, ganoon naman sila ‘di ba last year din ganoon.”

Oo nga, deserving ni Liza na magkaroon ng bonggang bakasyon ngayong Holiday Season dahil isang taon din naman siyang nagta-trabaho lalo na sa 2018 dahil ipalalabas na ang teleseryeng Bagani na sila ni Enrique ang lead stars mula sa direksiyon ni Richard Arellano mula sa Star Creatives.

READ MORE:  Robin, ‘di gagayahin si Rommel sa rami ng misis

At habang tinitipa namin ito ay sinilip namin ang Instagram account ni Liza at may post siyang nasa famous Abbey Road na halos lahat ng pumupunta roon ay hindi puwedeng hindi sila lalakad sa pedestrian lane na naging cover ng huling album ng grupong The Beatles na released noong September 1969.



Going back to Liza, ang ganda ng kuha niyang nakangiti, ”We live in a world where we have to hide to make love, while violence is practiced in broad daylight.” – John Lennon. One of my most favorite quotes, thought it would be perfect for this photo considering it was my first time at Abbey Road and its Christmas day! I guess what I’m trying to say is do not be afraid to spread love!!!”

May kuha rin si Liza kasama si Enrique na nasa gitna sila ng kalye sa London at nakatingin sa itaas at ang ganda ng mga ngiti nila na binati ang lahat ng Merry Christmas.

Pero hindi naging kompleto ang saya ng aktres dahil hindi nila kapiling ang tunay niyang ama at stepmom plus kapatid dahil hindi nabigyan ng UK Visa.

READ MORE:  Hugot ni Kris kay HB, ‘di matapos-tapos

Aniya, ”Merry Christmas from our Family (not complete) to yours!!! It’s our (@soberanojustin and I) first time to not be celebrating Christmas in our house. It may not be the traditional way of celebrating but nonetheless is it meaningful.

“There were many first for us and I’m happy I get to spend it with people I love dearly. Sadly, my dad, stepmom and new baby sister weren’t with us for Christmas because my dad was denied of a UK visa, but they are enjoying in Paris!! I also want to take the time to say thank you to @angelydub of @accesstravelph for taking good care of us, and for organizing this trip. We couldn’t have done it without you and to Ms. Thess Romero and sir Jun for helping my dad out with his visa.

“Also, happy birthday Jesus. Thank you Papa God for sacrificing your only begotten son for the lives of many, let us not take that for granted. Merry Christmas again everyone and Enjoy!!”

NANGUNGUNA
SA MMFF, AYAW
PANG I-RELEASE

SA huling araw ng Metro Manila Film Festival, Enero 7, 2018, malalaman kung sino ang nanguna sa box office dahil hindi magkakaroon ng pagkukompara.

READ MORE:  Kris, nawala ang pagod sa Father’s Day message ni Josh

Maganda ang naisip na ito ng MMFF Execom ngayong taon para lahat ng pelikula ay panoorin.

Base sa post ng isa sa ehekutibo ng MMFF Execom na si Noel Ferrer, ”The MMFF Execom, along with the producers of the festival entries plus the theater representatives have agreed not to release any actual figures and rankings so as not to create a bandwagon effect on the viewers. 

“We encourage everyone to support ALL the 8 entries because we are as strong as our weakest film. 

“We are very happy to say that a large part of  the Filipino audiences have gone back to the theaters again this Christmas and we have exceeded even the record 1st day box office gross of MMFF 2015. 

“We are looking forward to more and more people watching ALL the MMFF entries until January 7. 

“MMFF – Magkaisang Mapaunlad ang Filipino Films!!!”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved