Thursday , July 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Caguioa, binigyang-pugay si Helterbrand (Mula #47 patungong #13)
Caguioa, binigyang-pugay si Helterbrand (Mula #47 patungong #13)

Caguioa, binigyang-pugay si Helterbrand (Mula #47 patungong #13)

BILANG pagsaludo at pagpupugay sa retirado nang kasangga na si Jayjay Heltebrand, nagpalit ng numero ang kapatid nitong si Mark Caguioa.

Mula sa kanyang ma-alamat numerong 47, nagsuot ang tinaguriang “The Fast”na si Caguioa ng numero 13 na pamosong jersey naman ng tinaguriang “The Fast” na si Heltebrand.

Nagtapos na noong Oktubre ang karera ng isa sa pinaka-epikong duo sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association na “The Fast and The Furious” nang mag-desisyon nga si Helterbrand na isabit ang kanyang mga sapatos.

Ngunit sinigurado ng kanyang kasangga na hindi magtatapos iyon sa paggamit ng kanyang numero sa Christmas Clasico sa pagitan ng Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots sa Paskong sagupaang hain ng 43rd PBA Season kamakalawa sa higanteng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

At nagbunga ito ng mahikang pagpapamalas mula sa Gin Kings nang gapiin nila ang Hotshots, 98-87 na siyang ikaapat sunod na panalo na nga nila sa Pasko kung saan umiskor si Caguioa, suot ang numero 13 na jersey, ng 7 puntos.



Hindi lamang ito isang laro kundi isang buong torneyong gagamitin ni Caguioa para sa komperensya ng Philippine Cup. Ipinaalam niya umano ito sa PBA upang makapagpalit ng numero pansamanatala.

“I’m gonna be wearing this for one conference as a tribute to Jayjay Heltebrand. Merry Christmas Everyone!” ani Caguioa.

Ito ang kauna-unahang Pasko sa Ginebra na wala si Helterband. Ayon sa chief statistician ng PBA, si Helterbrand kasama ang dating kakampi na si Eric Menk ang may hawak ng rekord na walong beses na paglalaro tuwing Pasko.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved