Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice Ganda, happy and proud sa pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad
Vice Ganda, happy and proud sa pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad

Vice Ganda, happy and proud sa pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad

ANG MMFF entry nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach titled Gandarrapiddo: The Revenger Squad ang inaasahang isa sa hahataw nang husto sa box office sa taunang MMFF. Actually, sa teaser pa lang ng pelikula ng Star Cinema ay makikita na agad na kargado ito sa riot na katatawanan, kaya excited na ang marami na manapood ito.



Pati ang Unkabogable star na si Vice ay aminadong excited na at gusto nang mag-showing sa mga sinehan ang pelikula nila. “Nakaka-excite, kasi once a year lang naman ako gumawa ng pelikula. Kaya tuwing Pasko, ito na yun, umiikot ang tumbong namin kasi mayroon kaming bagong project. Sobrang gusto ko nang madaliin yung panahon para mapanood na ninyo yung pelikula, kasi nakakatawa. Sobra akong happy dito sa project na nagawa namin, sobra akong proud,” ani Vice.

Bakit dapat unahing panoorin ang pelikula ninyo sa MMFF? “Kasi syempre ang Pasko ay isang malaking Christmas party, siyempre sa Christmas party dapat simula pa lang masaya na tayo agad. ‘Di ba ‘pag pumasok ka sa isang party tapos nakita mong bagot, ‘pag nabagot ka agad parang hindi mo na tatapusin yung Christmas party, uwian na lang, tulog na lang tayo. At dahil Pasko, dapat ang unang-una nating maramdaman, ang maging masaya.

“Eh yun lang naman po ang punto nitong pelikula. GV lang talaga siya, sobrang good vibes, sobrang tawa lang naman ang gagawin natin. Kasi siyempre isang buong taon ka na na-stress, di ba? Magpapaka-stress ka pa ba sa Pasko? Itawa mo na lang yung Pasko, ‘wag ka na lang muna masyadong magpakaburyong, magpakaisip, magpaka-serious, magpaka-nega, di ba? Tawa tayo, happy lang tayo sa Pasko, kasama yung buo mong pamilya, kaya dapat eto yung unahin mong panoorin,” diin pa ng Kapamilya comedian.

Nabanggit din ni Vice kung ano ang bagong makikita sa kanya rito? “Marami, kasi ako naman, yung comedy ko naman, I always make sure na iyong comedy ko ay nasasabayan niya yung panahon, kung ano yung uso, kung ano yung trip ng tao, kung ano yung relevant. Iyong ganoon, so siyempre every year, iba-iba kung ano yung relevant.

“So ngayon may mga kinalaman ito sa kung anong relevant, yung mga ganap namin, yung mga punchline namin. Siyempre kasi yung mga uso ngayong mga gawi, yung mga may kinalaman sa pop culture lagi. At saka siyempre, since kasali naman ako sa nagsusulat lagi, alam ko yung mga nagamit na naming materials dati and we make sure na hindi namin mauulit yung mga ginagamit namin. At saka iba rin kasi yung nagagawa-lalo na sa TV, iba kasi yung ginagawa kong patawa roon, iba rin yung sa movie.

“Kasi sa TV, host ako eh, puro bunganga ko lang ng bunganga yung umaandar. Siyempre rito, buong katawan, kasi hindi naman ako stand up comedian lang, comedy actor ako sa pelikula. ‘Tsaka yung mga na-try ko sa TV, yung mga ilang eksena ko sa TV na nag-hit, eto yung mga nag-viral, yung mga gustong-gusto ng tao, yung iba inilagay ko rin dito sa pelikula.”

Mula sa pamamahala ni Direk Joyce Bernal, ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad ay tinatampukan din nina Ejay Falcon, Loisa Andalio, Karla Estrada, Wacky Kiray, Justin James Quilantang, at iba pa.

PAOLO BALLESTEROS,
BUNGA NG DUGO’T PAWIS
ANG DREAM HOUSE!

NAKATUTUWANG makita ang mga post sa social media ng Dabarkads na si Paolo Ballesteros ukol sa kanyang bagong bahay. Actually, ang naturang tahanan na madalas niyang ilagay sa social media ay ang dream house ni Paolo.

Kabilang sa posts ni Pao sa kanyang IG account mula nang lumipat siya ng bahay ay: First. GOD bless OUR home 🙏🏼 👍🏼 😘 ❤️ 🏡 at First. 😘 🤗 Good morneng!.

Nang nag-comment ako na dapat ay Don Paolo na ang itawag sa kanya ngayon, tugon niya sa amin, “Haha grabe naman! Hindi noh!”

Sa aming panayam kay Pao, ayaw niyang sabihin kung ilang milyones inabot ang kanyang magandang bahay. “Maliit lang ang budget niyan. Maayos at maganda lang talaga ang pagkagawa”

Dream house mo ba ito? Tugon ng award-winning actor, “Yes, this is my dream house with my family, not too big, pero iyon nga iyong sapat lang sa amin. Hindi rin expensive ang mga gamit dito, basta we made sure na maayos, malinis at matibay ang pagkakagawa.”

Masasabi mo bang ang bagong bahay mo ay katas ng dugo’t pawis ng paghihirap mo sa showbiz? “Katas ng puyat, katas ng mukap (make-up) na walang humpay, pati pag-iipit kay Junjun, hehehe, lahat na,” pabirong tugon pa niya na ang tinutukoy na Junjun ay ang kanyang genitalia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved