Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 katao arestado sa 3.5 kg shabu (Sa NAIA FedEx warehouse)

2 katao arestado sa 3.5 kg shabu (Sa NAIA FedEx warehouse)

ARESTADO ang dalawa katao sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) makaraan tangkain kunin ang package na may lamang shabu sa FedEx warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni Customs District Collector Ramon Anquilan ang mga suspek na sina Michael Espino Cruz, residente sa Kowloon St., BF Homes, Parañaque City, at Rachelle Hilario Dela Cruz.

Ang shipment ng shabu na nakalagay sa itim na kahon ay dumating noong 8 Disyembre 2017, kaya inantabayanan ni Customs-FedEx head supervisor Manny Mamadra kung sino ang kukuha.

Ayon kay Anquilan, ang naturang shipment ay ipinadala ng isang Jason Lee, ng 340 E 1st, California, USA. Idineklara itong mga laruan ngunit nang isalang sa mahigpit na physical examination ay nadiskobreng ang tunay na laman ay 3.5 kilong shabu.

BAGONG MODUS TIMBOG. Hindi nakaalpas sa Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ang dalawa kataong pinadalhan ng 3.5 kg ng shabu na sina Michael Espino Cruz at Rachelle Hilario dela Cruz mula sa isang Jason Lee ng 340 E 1st California USA. Ayon kay NAIA district collector Ramon Anquilan, ang nasabing shipment ay dumating sa FedEx nitong 8 Disyembre 2017 ngunit nitong Miyerkoles, 20 Disyembre, dakong 12:30 pm lamang kinuha ng dalawang nasakote. Pinuri ni Commissioner Sid Lapeña ang pagiging mapagbantay ng kanyang tauhan at opisyal na nakatalaga sa NAIA. (JSY)

“The suspicious image shown during X-ray inspection prompted the 100 percent physical examination. The matter was referred to the Customs Anti-Illegal Drugs Task Force for initial drug test which resulted positive for methamphetamine,” ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, na nagtungo sa NAIA para sa turnover ng shabu na tinatayang P17.5 milyon ang halaga, sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dagdag ni Lapeña, ang package ng shabu ay natagpuan sa FedEx warehouse sa PAL/PSI building noong hapon ng 11 Disyembre.

Ito aniya ay bagong trend na kasalukuyan nilang iniimbestigahan.

Kadalasan ng shipment ng shabu ay mula sa China, Taiwan at Hong Kong. (GMG)

COMMENTS

About G. M. Galuno

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved