Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tambalang Alden at Maine ‘di mabubuwag, tuloy pa rin ang ligaya sa 2018!
Tambalang Alden at Maine ‘di mabubuwag, tuloy pa rin ang ligaya sa 2018!

Tambalang Alden at Maine ‘di mabubuwag, tuloy pa rin ang ligaya sa 2018!

WALANG katotohanan na hindi na nakapag-uusap sina Alden Richards at Maine Mendoza na nasa Amerika at nagbabakasyon. Nakapag-uusap sila kahit hindi madalas dahil ayaw namang makaistorbo ni Alden sa bakasyon ng dalaga.

“Mayroon naman po, pero hindi naman madalas,” sambit ni Alden.

Dagdag pa ni Alden na walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga nila ni Maine dahil hindi mabubuwag ang loveteam nila at may mga  proyekto pa silang gagawin.

“Tuloy pa rin naman po. Hindi naman natatapos doon, after that letter eh. Okay naman po kami eh,” sagot sa amin ng Pambansang Bae.

Mas magiging bongga nga ang tambalan nila ni Maine sa 2018 na dapat  abangan ng Aldub Nation na tiyak na ikasisiya nila.

BLACK AND WHITE
OPENING
NG ANG PANDAY
KAHANGA-HANGA

NAMANGHA ang mga kapatid sa panulat sa magandang pagkakagawa ng Ang Panday na ang makabagong bersiyon nito’y si Rodel Nacienceno  (Coco Martin) ang nagdirehe.

Swak na swak ang script na ‘di lang mga bata kundi mga teenager, mommy, at daddy pati mga lolo at lola ang  tiyak na matutuwa sa pelikula at mag-eenjoy sa panonood.

Panalo rin ang special effects ng movie, may puso at aral na matututuhan ang mga manonood kaya naman buong pamilya ay talagang nakangiti paglabas ng sinehan.

Maging ang mga beki at tomboy ay sasaludo at magpapasalamat kay Coco dahil binigyan sila ng importansiya sa kuwento ng pelikula.

Impressive ang black and white opening scene ng Ang Panday na pinalakpakan ng audience.

May special participation sa pelikula sina Jeric RavalJaclyn Jose, at Arjo Atayde at ang mga artista na malapit sa puso ni Coco.  Bukod pa kina Mariel De Leon, Kylie Verzosa, Gloria Romeo, Maccoy De Leon, Awra Briguela, Julio Diaz, Jaime Fabregas, Jake Cuenca, Agot Isidro, Albert Martinez, Eddie Garcia, Ejay Falcon, Jhong Hilario, John Medina, John Prats, Joonee Gamboa, Lester Llansang, Lito Lapid, Marc Solis atbp.

ANG PANDAY
NI COCO,
‘DI TINIPID

MARAMI ang nag-aabang sa Ang Panday ni Coco Martin, entry niya para sa 2017 Metro Manila Film Festival na idinirehe rin niya gamit ang pangalang Rodel Nacianceno.

Bukod sa malaki ang fan base ng Ang Panday, marami ang curious kung ano ang kaibahan ng makabagong Panday sa naunang ginawa ni yumaong Fernando Poe Jr. na sinundan ni Senator Bong Revilla. May Ang Panday version din sina Senator Jinggoy Estrada at Jericho Rosales (teleserye).

Inaabangan din sa Ang Panday ang mga bagong makakalaban ni Flavio (Coco) at kung saan iikot ang istorya at galing ni Coco bilang director.

Pero base sa napanood namin, maganda ang pagkakagawa, hindi tinipid at kitang-kita na malaki ang inilaang budget , at kapana-panabik ang bawat eksena.

HASHTAGS JON
AT JAMESON,
‘DI NAKIKIPAG-
KOMPETENSIYA
KAY VICE GANDA

WALA sa isip nina Jameson Blake at Jon Lucas na makipag-kompitensiya kay Vice Ganda lalo’t parehong entry sa 2017 Metro Manila Film Festival ang kani-kanilang pelikula, ang Haunted Forest na kasama nila sina Jane Oineza at Maris Racal habangThe Revengers naman ang kay Vice Ganda.

“Para sa akin, si Vice is close to me. Friends kami. Siguro this time, may competition pero nandoon pa rin ang friendship,” saad ni Jameson sa blogcon ng movie.

“Siyempre, Vice Ganda na ‘yon at ilang beses na sa filmfest na talagang number one ang pelikula niya. Hindi rin ako nakikipag-kompitensiya sa kanya. Lagi naman niya kaming sinusuportahan.”

Ayon kina Jon at Jameson, puwede namang panoorin ng mga netizen ang dalawang pelikula, basta unahin muna ang Haunted Forest at pagkatapos ay ang movie naman ni Vice, ganoon din ang iba pang pelikula na entry sa MMFF.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved