Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Ian, mas excited kaysa pressured
Direk Ian, mas excited kaysa pressured

Direk Ian, mas excited kaysa pressured

SAMANTALA, sa huling horror movie ng Regal Films na ipinalabas noong 2015, ang Haunted Mansion nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce na idinirehe ni Jun Lana ay kumita ng P159-M kaya natanong si direk Ian Lorenos kung pressured siya sa Haunted Forest na dapat lampasan ang kinita ng nauna.

READ MORE:  I care for him...I don’t regret being in a loveteam — Nadine on James

Hindi naman po pressured kasi confident po ako sa Regal the ability to market and to make successful film and confident so far na nagawa namin ang pelikula as expected so warm excited po, hindi pressured,” katwiran ni direk Ian.

Ano ang pipiliin ni direk Ian, award o box office?

READ MORE:  Aljur, kinain ang isinukang pagmamalaki sa GMA

Ano po kasi, if you win ang award is an honor pero kung hindi naman kumita, may kulang and at the same time ganoon din kapag kumita ang pelikula mo pero binash ka naman dahil hindi maganda or something, may kulang pa rin. So siguro both na lang po hindi naman siguro masama ‘yun,” paliwanag ni direk Ian.

READ MORE:  James at Nadine, itinangging gimik lang ang kanilang relasyon            

Abangan sa mga sinehan ang Haunted Forest sa Disyembre 25 lalo na sa mahihilig sa horror dahil tiyak na mag-eenjoy nga kayo kaya magsama ng mga kaibigan para mas masaya kapag nagsisigawan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top