Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Murder conviction vs Jason Ivler pinagtibay ng CA (Sa road rage shooting)
Murder conviction vs Jason Ivler pinagtibay ng CA (Sa road rage shooting)

Murder conviction vs Jason Ivler pinagtibay ng CA (Sa road rage shooting)

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng  Quezon City court na humatol ng life imprisonment sa road rage shooter na si Jason Ivler, na nagresulta sa pagkamatay ng anak ng dating Malacañang official noong 2009.

Nabigong kombinsihin ni Ivler ang CA 14th Division para baliktarin ang guilty verdict na ipinataw sa kanya ni Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84 noong 24 Nobyembre 2015, kaugnay sa pagkamatay ni Renato Ebarle, Jr., anak ni dating Presidential Chief of Staff Renato Ebarle Sr., na nagsilbi sa Arroyo administration.

“We uphold the accused-appellant’s conviction. Contrary to Ivler’s contention, the prosecution has proven all of the elements of murder,” ayon sa CA sa desisyong may petsang 28 Nobyembre.

Si Ivler, pamangkin ng folk singer na si Freddie Aguilar, ay binaril at napatay si Ebarle Jr., makaraan magkaroon sila ng mainitang pagtatalo hinggil sa trapiko sa Quezon City noong 18 Nobyembre 2009.

Makaraan ang pamamaril, sinabi ng testigo, mabilis na pinaharurot ni Ivler ang kanyang Honda CRV na kalaunan ay nadiskobreng pag-aari ng kanyang stepfather na si British diplomat Stephen James Pollard.

Inaresto si Ivler noong 18 Enero 2010 kasunod ang pakikipagpalitan ng putok sa mga ahente ng National Bureau of Investigation sa bahay ng kanyang ina na si Marlene Aguilar, sa Quezon City.

Makaraan ang paglilitis ng korte, si Ivler ay hinatulan ng reclusion perpetua o ng maximum jail term na 40 taon at inutusang magbayad sa pamilya Ebarle ng P9.373 milyon para sa civil damages.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved