Thursday , May 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Opticals ng Ang Panday, nakabibilib; Pagkakabuo ng kuwento, mahusay
Opticals ng Ang Panday,  nakabibilib; Pagkakabuo ng kuwento, mahusay

Opticals ng Ang Panday, nakabibilib; Pagkakabuo ng kuwento, mahusay

SINASABI nilang dark horse ang pelikula ni Coco Martin sa festival, pero marami ang nagsasabing baka magulat nga sila dahil mukhang iyon pa ang magiging top grosser.

May nagbulong sa amin, at pinaniniwalaan namin sila, dahil sila iyong mga technical people na araw-araw ang kaharap ay mga pelikulang nasa post production. Bilib sila sa opticals ng Ang Panday, dahil hindi tinipid talaga ang pagkakagawa ng pelikula. Sinabi rin nilang mahusay ang pagkakabuo ng kuwento, na siyempre ang kredito ay ibibigay mo sa director, na si Coco rin.

Pinaniniwalaan pa nila na dahil sa tagumpay ng kanyang TV show, masasabi ngang tanggap ng fans ni FPJ si Coco para gumanap sa mga role na ginawa na ng hari ng pelikula. Kaya kung kuha rin niya ang mga fan ni FPJ, aba eh wala ngang duda na top grosser siya.

Alalahanin ninyo, noong araw, si FPJ ang laging top grosser sa festival, kaya nga nagkaroon ng unwritten rule noon na hindi sila magsasabay ni Mang Dolphy sa festival eh.

JOROSS, TINULUNGAN
NG MGA KAIBIGAN
NANG MANGAILANGAN

SABI nga, nasusubok ang pagiging magkakaibigan sa pagtutulungan. May mga taong kung tawagin ay “fair weather friends”, iyon nandiyan lang kung may pakinabang sa iyo, at kung wala na, wala ka na ring maaasahan.

Pero sa kuwento nga ni Joross Gamboa, napatunayan niyang marami rin pala siyang kaibigang nakahandang tumulong sa kanya. Kinausap  niya ang mga kaibigang sikat na artista para mag-cameo role sa kanilang pelikulang Deadma Walking. Ang eksena ay iyong supposed to be ay burol niya, dahil ang character niya ay may cancer at nakatakda na ngang mamatay. Gusto naman niyang makita kung ano ang mangyayari sa burol niya.

Kaya kahit na hindi pa siya namamatay, gumawa na sila ng mock up na burol. Doon naman ang cameo role ng mga artista sa eksenang iyon.

Unang-unang dumating sa shooting si Piolo Pascual at napagkasunduan ngang isu-shoot ang mga guest as they come, ibig sabihin kung sino ang unang dumating, siyang unang kukunan. Eh ang dami at nagkasabay-sabay nga, kaya ang nangyari habang nagsu-shooting sila, aligaga rin naman sila sa pag-entertain sa kanilang mga bisita.

Pero ang sabi nga ni Joross, nakatutuwa naman at nakita nilang ang mga kaibigan nila ay nakahanda naman palang tumulong sa kanila, lalo na nga’t iyan ang unang pagkakataon na silang dalawa ni Edgar Allan Guzman ay naging bida sa pelikula at ilalaban pa sa festival.

“Nag-support din naman kami sa kanila noon, kaya ngayon nang hingan namin sila ng suporta ay hindi naman sila nagmaramot,” kuwento pa ni Joross.

Nakatutuwa rin naman ang ganyang pagtutulungan sa showbiz.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved