Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, gagawa ng pelikula (matapos mag-reyna sa social media)
Kris, gagawa  ng pelikula  (matapos mag-reyna sa social media)

Kris, gagawa ng pelikula (matapos mag-reyna sa social media)

KRIS AQUINO is back! Matapos niyang palakasin at palawakin ang kanyang online at social media platforms, itutuon naman niya ang  oras sa paggawa ng pelikula. Iyon ay kung hindi siya magkakaroon ng problema.

Dalawang pelikula ang posibleng gawin ng Queen of All Media next year.

Posibleng gumawa ng isang horror movie si Kris sa iFlix at ang isa naman ay sorpresa pa.

Ani Kris sa interbyu sa kanya ng pep.ph, si Chris Martinez ang magdidirehe ng pelikula.

“When he presented to me, na-excite ako. So I said, ‘Okay, I’ll go for this,’ because it’s something that I wanted to do because of Direk Chris.’”

Anang aktres, hindi iyon isang dark comedy o drama. “But it’s something I’ve actually never done. Definitely by first quarter, may sinu-shooting na.

Noong 2015 Metro Manila Film Festival via All You Need Is Pag-ibig ang huling pelikula ni Kris.

Samantala, nagkita ng personal sina Kris at ang nanalo ng LV Neverfull bag niyang si Michelle Bernal bilang parte ng kayang #ChristmasLoveLoveLove noong Huwebes ng hapon para personal na iabot ang napanalunang bag.

Kasama ni Michelle ang kanyang bunsong anak na kitang-kita ang kasiyahan at ang 21 year old daughter niyang nag-aalaga sa kanya.

Ani Kris nang iabot ang bag, “I hope you it brings you luck. I hope it brings you healing.”

Napansin din at ikinatuwa ni Kris na may buhok na si Michelle.

Ibinigay din ni Kris ang pangako niyang GC para sa biyenan ni Michelle na siyang nag-aalaga at kumukupkop sa kanyang mga anak.

“Tell her thank you for being a very good mother-in-law from me,” anang ina nina Bimby at Joshua.

May ibinigay din si Kris sa 21 year old daughter ni Michelle at sa bunso nito.

“I felt to touched that there were so many people na super bait talaga ang praying for you,” sambit ni Kris na sinagot naman ni Michelle ng, “They are and most of them actually cried when they saw the video. So, thank you so much Kris.”

Naniniwala si Kris na may dahilan kung bakit si Michelle ang napili nila na mabigyan ng bag.    

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved