Friday , May 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / PCUP chief Terry Ridon tuluyang ‘pinagbakasyon’ ni Pangulong Digong
PCUP chief Terry Ridon  tuluyang ‘pinagbakasyon’ ni Pangulong Digong

PCUP chief Terry Ridon tuluyang ‘pinagbakasyon’ ni Pangulong Digong

DAHIL naobserbahan ni Pangulong  Rodrigo “Digong” Duterte na ‘mahilig palang magbakasyon’ ang dating hepe ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na si Atty. Terry Ridon, kaya tuluyan na niyang ‘pinalaya’ para huwag nang maabala ang pagbaka-bakasyon.

Kaya hayun, todo-bakasyon na si dating Kabataan party-list representative Ridon — bakasyon from the government office for the rest of his life.

Hindi na niya kailangan muling mag-report sa kanyang tanggapan dahil ‘abala’ lang ito sa kanyang ‘pagbabakasyon’ sa abroad.

Hindi na rin niya kailangan i-convene o ipatawag sa pulong ang kanyang mga opisyal na hindi niya nagawa mula noong Setyembre nang italaga siya ng Pangulo.

Mukhang na-culture shock si Atty. Terry.

Mula sa pasigaw-sigaw sa kalye, pa-rally-rally hanggang sa pagtutungayaw sa Kamara, tila nasilip ni Ridon ang mga “junket” sa PCUP.

Mantakin ninyong isang opisina para sa pagtataguyod ng urban poor sector ay dumadalo ng mga komperensiya sa mga bansa sa Europa?!

Ang gastos mo, attorney!

Kasuwerte naman!

Habang nagtitiyagang manirahan ang mga maralita sa riles ng tren, sa gilid ng creek at ilog, sa gilid ng pader ng malalaking pabrika ay dumadalo sa isang marangyang pagpupulong tungkol sa habitat at pabahay si Ridon — sa Europa.

Habang gumagawa ng paraan kung saan makakukuha ng tubig ang mga maralita, duma­dalo sa maluluhong komperensiya si Ridon sa ibang bansa kung paano magkakaroon ng malinis na tubig ang informal settlers sa bansa.

Hindi ba’t sa simula’t simula ay malaking kabalintunaan na ang nakikinabang sa pondo ng PCUP ay mga opisyal at ibang ahensiya pero walang klarong benepisyong naipagkaloob sa mga pobre?!

Ang lumalabas pa, nagamit ‘yung salitang ‘urban poor’ para magkaroon ng posisyon at budget na magagastos sa sariling ambisyon.

Alam din kaya ni Pangulong Digong na i­lang opisyal sa PCUP ang nanggigipit sa mga maralitang nagsisikap magkaroon ng sariling bahay?!

Matuklasan kaya ni Pangulong Digong  na may mga opisyal sa PCUP na ‘nuno’ ng sindikato sa mga housing project  para sa mahihirap?!

Lalo na ang isang opisyal ng PCUP na mukhang sibil pumorma pero malakas mangikil sa housing projects.

Sa susunod, babalatan natin ang sindikato ng ilang opisyal sa PCUP.

Abangan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved