Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joross, binraso si Piolo para mag-cameo sa Deadma Walking
Joross, binraso si Piolo para mag-cameo  sa Deadma Walking

Joross, binraso si Piolo para mag-cameo sa Deadma Walking

BUONG ningning na sinabi ni Edgar Allan Guzman na mas magaling mag-ipit ng itlog si Jorross Gamboa kaysa kanya. Nagdamit babae kasi sila sa filmfest movie nila na Deadma Walking na showing sa Dec. 25.

Walang pahinga ang betlog nila sa shooting dahil nakaipit ito mula 9:00 a.m. to 2:00 a.m. kinabukasan.

May tip naman si Joross sa mga future beki na ‘pag nag-ipit ay sa gitna. Masakit kung mag-iipit na pakaliwa o pakanan.

READ MORE:  Utang ni Nora kay Coco, bayad na kaya?

Samantala, napanood namin ang trailer ng Deadma Walking. Malakas ang laban  nina EA at Joross at posibleng magkalaban pa sila sa Best Actor category ng Metro Manila Film Festival. ‘Yung ginawa na lang nila na pag-ipit, kumanta, at magpakabakla ay mahirap gawin, samantalang ‘yung ginagawa ng ibang actor na kalaban nila ay kaya rin nilang gawin.

Mga 30 malalaking artista ang guests at sumuporta sa pinagbibidahan nina Joross at EA sa pangunguna nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo at iba pa.

READ MORE:  Panghihinayang na ‘di makakasama si Lloydie

May eksena rin na nag-I love you si Gerald.

Ayon sa director ng Deadma Walking na si Julius Alfonso, si Joross  ang love of my life ni Gerald.

Nagtawanan din sina Joross, Edgar, at Dimples Romana sa pagkukuwento na super entertain si Dimples dahil nagkasabay-sabay ang mga guest star. Inilabas na nila ang mga baon nilang pagkain para hindi mainip ang mga ito. Pinakamaagang dumating si Papa P.

READ MORE:  Ate Guy, igagawa raw ng weekly drama anthology ng GMA

Dagdag pa ni Joross, brinaso niya sina Papa P kasama si EA para suportahan sila sa Deadma Walking. Akala nga ng iba ay first directorial job na ito ni Joross dahil aligaga siya sa pag-iimbita na mag-guest sa movie nila.

Si Eugene naman ay nag-guest bilang suporta kay Direk Alfonso dahil magkaibigan sila at first directorial job nito.

Bongga!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved