Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Martial law extented sa Disyembre 2018 (Digong nagpasalamat sa Kongreso)

Martial law extented sa Disyembre 2018 (Digong nagpasalamat sa Kongreso)

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagpayag sa kanyang hirit na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018.

“I would like to thank Congress for understanding the plight of Filipinos… Mahirapan talaga ako ‘pag walang martial law sa Mindanao,” aniya sa talumpati sa Fort Bonifacio kagabi.

Ang pasya ni Duterte ay batay sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bunsod umano nang pagtaas ng insidente ng karahasan na kagagawan ng New People’s Army at iba pang terrorist groups at kailangan pa rin ang martial law sa rehabilitasyon ng Marawi City.

READ MORE:  PNP chief pinagkaguluhan sa traslacion

Aminado ang militar na lumakas ang puwersa ng NPA dahil sinamantala ang peace talks at pagtutok ng AFP sa krisis sa Marawi.

Unang pinalawig ang batas militar noong Setyembre.

READ MORE:  Smuggler JR Tolentino ‘espesyal’ sa MICP, POM (Stakeholders umangal)

ni ROSE NOVENARIO

CPP-NPA HINDI
REBOLUSYONARYO
— DUTERTE

WALA aniyang ginawa ang mga rebeldeng komunista kundi mag-recruit ng mga miyembro para mamatay sa isinusulong nilang armadong pakikibaka para pabagsakin ang gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam kagabi sa Fort Bonifacio, Taguig City, walang ginawang maganda ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kaya hindi sila puwedeng tawaging rebolusyonaryo.

READ MORE:  Holdaper patay sa shootout sa Bulacan (Huling biktima tinodas)

Giit ng Pangulo, ang ginagawa aniya ng mga rebeldeng komunista ay walang patumanggang pagpatay sa kapwa tao o kaya’y bigyan ng problema ang mga mamamayan.

Kinuwestiyon ng Pangulo ang inilalakong pagbabago ng CPP-NPA na nakatuntong aniya sa pagpatay ng kapwa tao.

Ang pagbatikos muli ng Pangulo sa CPP-NPA ay kaugnay sa posibilidad na magdeklara ng holiday truce sa mga rebelde na karaniwang idinedeklara taon-taon.

  (ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved