Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erika Mae Salas, espesyal ang Sweet Sixteen Concert sa The Forage Bar + Kitchen sa Dec. 16
Erika Mae Salas, espesyal ang Sweet Sixteen Concert sa The Forage Bar + Kitchen sa Dec. 16

Erika Mae Salas, espesyal ang Sweet Sixteen Concert sa The Forage Bar + Kitchen sa Dec. 16

ABALA ngayon sa promo ng kanyang concert ang maganda at talented na recording artist na si Erika Mae Salas. Pinamagatang Erika Mae Salas Sweet 16, gaganapin ito sa darating na Saturday, December 16, 2017, 7pm sa The Forage Bar + Kitchen, Gil Fernando Avenue, Sto. Niño, Marikina City.

Sinabi ni Erika Mae na espesyal sa kanya ang post birthday concert niyang ito. “This is special po, kasi mga sweet songs po ang kakantahin ko rito na siguradong ang mga young and old ay mag-e-enjoy. Plus, may dance number din po ako rito with the Hashtags Wilbert Ross and Kid Yambao,” saad ni Erika Mae.

READ MORE:  Lloydie, ‘di raw apektado ng pakikipaghiwalay kay Angelica

Kamakailan nga ay naging guest si Erika Mae sa DZMM teleradyo Showbiz Chizmax na programa nina katotong Ambet Nabus at ng super-seksing si Gretchen Fullido upang i-promote ang kanyang forthcoming concert.

READ MORE:  Sid, walang lakas ng loob para kausapin ang ex-GF na si Alex

Sino ang mga guest mo rito?

Saad ni Erika Mae, “Ang mga guests ko po rito ay sina ate Geca Morales-2016 WCOPA gold medalist, Pinoy Boyband Superstar finalist na si Michael Diamse, Eat Bulaga’s music hero finalist na sina Alliyah at Jason Recla, plus front acts ko po sina Joseph Miraflores ng The Voice Kids S3 Team Lea, Sarah Ortega, Annie Pia Culaway, at si Neo Ambert, anak po ng manager ko na si tito Ambet Nabus. Hosted po ito by Romel Chika.”

READ MORE:  Alex, sobrang bilib sa pagdidirehe ni Fifth

Ang Muscial Director ng Erika Mae Salas Sweet 16 concert ay si Ryan Regala Manal at ang director naman ay si Ambet Nabus. For inquiry, pls. text or call 09173092093, 09235037659, at 09198557351.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved