Categories: News

Curfew ordinance sa Navotas ihahabol sa Simbang Gabi

Share

POSIBLENG maihabol ang pagpasa ng bagong ordinansa sa “curfew” sa Navotas City na una nang ibinasura ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng mga menor-de-edad.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na “for signature” ang bagong ordinansa na iniakda ni Konsehal EJ Arriola at inaasahang maipalalathala na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre.

“The draft ordinance has undergone changes based on the inputs from various sectors. Makakaasa kayo na sakaling matapos na ito ay agad nating ipatutupad sa lungsod,” ayon kay Tiangco.

Una nang ibinasura ng Korte Suprema nitong Agosto ang ordinansa ng Navotas City kasama ang ordinansa ng lungsod ng Maynila makaraang ipetisyon ng grupo ng mga kabataang Spark.

Inireklamo ng Spark ang mga nakasaad na panuntunan sa ordinansa na napakahigpit at sumisikil umano sa mga isinasaad ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Sinasakal rin umano nito ang mga pangunahing karapatan ng mga kabataan kabilang ang karapatan sa pagsali sa mga organisasyon, karapatan sa relihiyon, pag-oorganisa at karapatang magpahayag.

Makaraan ibasura ang ordinansa, tumaas umano ang mga insidente ng karahasan katulad ng mga rambol sa Navotas na sangkot ang mga kabataan na nasa kalsada pa kahit dis-oras ng gabi.

May ulat na inihawig na lamang ng Navotas City Council ang bago nilang ordinansa sa ipinatutupad ng Quezon City na pumasa sa pamantayan ng Korte Suprema.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng mas mabigat na parusa sa mga magulang o guardian ng mga kabataan na mahuhuling lumalabag sa ordinansa.

Inaasahan ipagbabawal sa kalsada ang mga kabataang edad 17-pababa mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Maaaring makalusot dito ang mga kabataan na dumadalo sa mga aktibidad sa paaaralan o relihiyon, dumadalo sa mga party o ibang selebrasyon na may kasamang nakatatanda.

(JUN DAVID)

Jun David

Published by
Jun David

Recent Posts

2019 DPWH budget punong-puno ng grasya?

SABI nga, nang magbuhos daw ng grasya ang mga diyos-diyosan sa kongreso ng pagkakakuwartahan, napuno ng biyaya ang pinamumunuang ahensiya… Read More

13 hours ago

2019 DPWH budget punong-puno ng grasya?

SABI nga, nang magbuhos daw ng grasya ang mga diyos-diyosan sa kongreso ng pagkakakuwartahan, napuno ng biyaya ang pinamumunuang ahensiya… Read More

13 hours ago

Ginang nagpatotoo sa maraming benepisyo ng paggamit ng Krystall products

Dear Sis Fely Guy Ong, Ito po ang patotoo ko sa paggamit ko ng Krystall Herbal Products: Ang pagbaba ng… Read More

13 hours ago

Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapi­gi­lan ang Simbahang Kato­lika na makipag-ugna­yan sa samba­yanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit… Read More

1 day ago

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain… Read More

2 days ago

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain… Read More

2 days ago