Friday , May 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikat na actor, P100 ang pakimkim sa mga manunulat na nangaroling
Sikat na actor, P100 ang pakimkim sa mga manunulat na nangaroling

Sikat na actor, P100 ang pakimkim sa mga manunulat na nangaroling

T enk yu, tenk yu…talagang ang barat-barat mo, tenk yu!”

Kulang na lang ay dito magtapos ang pangangaroling ng isang grupo ng mga manunulat sa isangsikat na aktor, tsika ito ng isa sa mga miyembro ng grupo.

“Nakakaloka talaga ang lolo mo! ‘Di ba, gawing-gawi natin na padadalhan ng sulat ang mga artista para mangaroling, kundi man sa baler nila, eh, sa mismong taping? Itong lolo mo, sa baler daw niya kami gumora. So, gora naman kami, umarkila pa kami ng sasakyan,” kuwento ng aming kausap.

Nagkataong hindi raw nila naabutan ang pakay na aktor, may taping daw ito noong gabing ‘yon. Pero ibinilin naman daw sa nadatnan nilang kasambahay ang iniwan nitong pakimkim.

“Kahit waley siya sa baler, sing kami keti sing. Okey na kung hindi kami pameryendahin kasi nag-aapura rin kami, gora pa kami sa ibang baler ng mga artista. Natapos ang caroling namin. Pagsakay namin ng van, siyempre, may I open namin kung magkyonix ang laman ng sobre. ‘Day, nabaliw kami sa laman…1-0-0 as in one hundred pesos! Eh, ilan kaming nagkaroling? Magbabayad pa kami sa inarkilang van! Hay, kuring talaga ang lolo mo!”

Da who ang makunat na aktor na ‘yon? Itago na lang natin siya sa alyas na Gary Konsepto.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved