Saturday , April 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P57.5-M shabu nasabat sa NAIA

P57.5-M shabu nasabat sa NAIA

UMAABOT sa P57.5 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa cargo office ng isang delivery courier service sa Pasay City.

Nadiskobre ang shabu sa pinalabas na package sa tulong ng K9 dog at x-ray screening nang magsagawa ng random check-up ang airport operatives.

INIHARAP sa media nina PDEA Director General Aaron Aquino at PDEA NCR Regional Office Director Ismael Fajardo ang 11.5 kilo ng shabu, P57.5 milyon ang halaga, makaraan makompiska sa cargo office ng isang delivery courier service sa Pasay City. (ALEX MENDOZA)

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang dalawang bagahe ay ipinadala ng isang Tyler Wilson na may nakasaad na tirahan sa 4313 Sepulveda Blvd., Culver City, California 90230.

Habang ang consignee ay nakapangalan kina Rogelio Almodiel, residente sa 11 North Stanford Residence, Tower 2, kanto ng Upper Mckinley at Florence Way roads, Taguig City, at Hasmine Erquiza, nakatira sa 32 Villa España Subd., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Sinabi ng opisyal, ang unang parcel ay nasabat nitong 29 Nobyembre, dakong 8:00 pm ng PDEA Regional Office-National Capital Region, sa ilalim ni Director Ismael Fajardo, Jr., at NAIA-IADITG.

Ang package na may anim kilo ng shabu, P30 milyon ang halaga, ay ipinadala sa bansa sa pamamagitan ng isang multinational courier delivery service na nakabase sa Andrews Avenue, Pasay City. Idineklarang mga laruan ang laman ng bagahe.

Nitong 4 Disyembre, dakong 10:30 am nasabat ang isa pang bagahe na nakapangalan kay Erquiza, may lamang 5.5 kilo ng shabu, P27.5 milyon ang halaga. Idineklara ring mga laruan ang laman ng bagahe.

Dagdag ni Aquino, nang i-deliver ang bagahe sa dalawang consignee, kapwa hindi matagpuan sa naturang address sina Almodiel at Erquiza. (ALMAR DANGUILAN)

2 BIGTIME PUSHER
TIKLO SA P2.9-M
SHABU SA MOA

ARESTADO ang dalawang hinihinalang bigtime pusher makaraan

makompiskahan ng P2.9 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang shopping mall sa Pasay City, nitong Sabado.

Iniharap sa mga mamamahayag kahapon ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang dalawang suspek na sina Randy Gatdula, 38, residente sa Type B, NBP Maximum Compound, Muntinlupa City, at Marita Macatangga, 55, nakatira sa Bomba 5, Guards Quarter, NBP Maximum compound, Muntinlupa City.

Sina Gatdula at Macatangga ay ikinokonsiderang kabilang sa talaan ng high-value target drug personalities.

Dinakip ang dalawa sa loob ng Mall of Asia (MOA) sa Pasay City makaraan bentahan ng 583.5 gramo ng shabu,  P2.9 milyon ang halaga, ang undercover agent ng ahensiya. (ALMAR DANGUILAN/JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved