Categories: Hataw Lifestyle

May problema sa mga ‘robo-taxi’

Share

MAAARING magbago ang urban travel landscape sa susunod na mga taon habang lumalawak ang personal mobility bilang serbisyo, salamat sa mga apps tulad ng Uber at Grab, kaya natural na magkaroon ng mas maraming ‘choices’ ang mga consumer para sa pagbibiyahe — ito ang inaasahan ng mga proponent ng bagong ‘robo-taxi’ technology na magbibighay-daan para sa kanilang tagumpay. 

Mabilis na nakakuha ng momentum ang mga ‘robo-taxi’ sa iba’t ibang panig ng daigdig, at bawat major carmaker ay may sariling version ng nabanggit na teknolohiya. Umaasa ang mga forecaster ng Bank of America Merrill Lynch na makokopo ng mga fully electric car ang aabot sa 12 porsiyento ng pandaigdigang merkado sa pagsapit ng taong 2025, 34 porsiyento sa 2030, at 90 porsiyento sa 2050.  

Para sa manufacturers, ang mga forecast na ito ay magbibigay-daan sa mga pagbabago na makabibingwit ng mas malalaking profit kada milya o kada biyahe. Halimbawa, maaaring simulan ng mga provider na maningil sa consumers para sa panahong nakasakay sila sa mga sasakyan. 

Dalawa sa pinakamalaking motivating factor na pabor sa robo-taxi technology ang polusyon at lumalalang trapiko kaya sa mga developed na ekonomiya tulad ng Germany, Estados Unidos, United Kingdom at China, ang demand para sa malinis na mga sasakyan ay lumalago habang lumalaganap ang problema sa usok para sa mga residente sa pangunahing mga lungsod sa mundo.  

Sa Alemanya, inilunsad kamakailan ng Daimler ang car-sharing service na Car2Go sa may dalawang dosenang lungsod sa magkakaibang bansa. Gayondin ang karibal at kasamahang German car maker na Volkswagen, na naglabas ng kanilang Moia, isang ‘social-movement’ na gumagamit ng mga e-shuttle, ride pooling at car hailing.  

ni Tracy Cabrera

COMMENTS
Tracy Cabrera

Published by
Tracy Cabrera

Recent Posts

Dennis Trillo, aminadong idol si Coco Martin!

ISA si Dennis Trillo sa tampok sa pelikulang One Great Love ng Regal Enetratinment na tinatampukan din nina Kim Chiu at… Read More

8 hours ago

Pelikulang The Signs, tampok sa Cine Lokal

ISANG napapanahong peli­kula ang The Signs dahil ma­dalas bayuhin nang malalakas na bagyo ang ating bansa. Ang laban ng tao para sa… Read More

9 hours ago

Echo, may dengue, pero ayaw magpa-confine

MAY dengue ngayon ang aktor na si Jericho Rosales at nasa bahay lang para magpahinga dahil ayaw niyang magpa-confine. Pagkatapos… Read More

4 days ago

Magagandang lugar sa Samar, muling mapapanood sa Kahit Ayaw Mo Na

BAGAY na magkakapatid sina Empress Schuck, Kristel Fulgar, at Andrea Brillantes dahil may hawig naman sila sa isa’t isa. Ito… Read More

4 days ago

Kim, napatili nang makipaglampungan kina Dennis at JC

PURING-PURI ni Direk Eric Quizon ang dedikasyon at professionalism ng tatlong bida sa One Great Love, entry ng Regal Entertainment… Read More

4 days ago

Atty. Persida Acosta, hiningan ng tulong ni Keanna Reeves

SA Enero 2019 muling mapapanood ang magaling at matapang na Public Attorney’s Chief, Atty. Persida Acosta sa telebisyon kapag nagkasundo… Read More

4 days ago