Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Lobster na ‘mahilig’ sa Pepsi nalambat sa Canada
Lobster na ‘mahilig’ sa Pepsi  nalambat sa Canada

Lobster na ‘mahilig’ sa Pepsi nalambat sa Canada

LIMANG oras na ang lumipas sa pagba-banding ng sipit ng mga lobster o ulang ni Karissa Lindstrand habang lulan ng bangkang Honour Bound, malapit sa Grand Manan, nang mamataan ng babae ang blue-and-red na kilalang-kilala niyang paboritong softdrink. 

“Imahen pala ng Pepsi ang nakita kong ‘nakatato’ sa sipit ng isa sa mga nahuling ulang,” ani Lindstrand. 

Dahil isang Pepsi fan — umiinom siya ng 12 lata kada araw — sadyang namangha sa kanyang nadiksubre, na para bang mayroon ding mga Pepsi fan sa kalaliman ng karagatan, tulad ng nakita niyang lobster,  “I can’t say how he got it on,” ani Lindstrand. “It seemed more like a tattoo or a drawing on the lobster rather than something growing into it.” 

Ipinakita niya ang kanyang nadiskubre sa kanyang boat crew at sa mga nakalipas na araw ay ikinuwento niya ito sa marami pang iba, kabilang ang “Pepsi guy who delivers Pepsi products all over Grand Manan.” 

Silang lahat ay may iba-ibang teorya, kung bakit may tato ng Pepsi ang lobster ni Lindstrand. 

“They believe that maybe there was a can in the bottom of the ocean and when (the lobster) was growing, it grew around the can,” wika ng babae. 

“But others believe part of a Pepsi box stuck on the lobster when it was growing and stayed there. This tells me there is a lot of garbage in the ocean, if that’s what’s happening to the lobsters we get out from the water,” punto ng babae. 

“It’s the first time I have seen garbage imprinted on an animal,” dagdag niya. 

Kauna-unahan din ito para kay Matthew Abbott, na Fundy baykeeper at marine program co-ordinator sa Conservation Council of New Brunswick. 

“This is really a unique instance,” ani Abbott. “I haven’t seen something like it before, of such a clear imprint of a can on a marine animal.”  

(TRACY CABRERA) 

COMMENTS
READ MORE:  Amazing: ‘Box of nothing’ best gift sa Pasko?

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved