Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vic nag-level-up, iniwan ang paggawa ng fantasy movie
Vic nag-level-up, iniwan ang paggawa ng fantasy movie

Vic nag-level-up, iniwan ang paggawa ng fantasy movie

ANG ganda ng mga ngiti ni Vic Sotto sa na karaang presscon ng Meant To Beh dahil napasama na ito sa 2017 Metro Manila Film Festival. 

Matatandaang masama ang loob ng TV host noong nakaraang taon dahil hindi isinama ang entry nilang Enteng Kabisote 10 and the ABangers at nabanggit nito na ang MMFF ay para sa mga bata kaya nanghihinayang siya.

Kaya naman ngayong taon ay sadyang hanggang tenga ang mga ngiti ng M-Zet producer dahil hindi na sila naligwak.

Samantala, kuwento ni bossing Vic tungkol sa Meant To Beh”It’s a serious movie na nakatatawa. It’s a change for me, getting out of fantasy and going into reality, it’s a welcome change for me and I don’t regret it, kasi after watching the finished product, I’m very, very proud of it, maganda talaga.”

Inamin na rin ng isa sa producer ng Meant To Beh bukod sa OctoArts Films at APT Entertainment na gusto na niyang mag-level up mula sa paggawa ng fantasy. Gusto niya ay seryoso na o walang tinatawag na special effects o magical.

At dahil may relasyon sina Vic at Dawn Zulueta sa kuwento ng Meant To Beh ay tinanong kung may kissing scene o bedscene sila na kaagad namang sinagot ng aktres ng, ”ang dami! First shot pa lang, bed scene na.”

Say naman ni Vic, ”first shooting day pa lang, bed scene agad.”

Walang pagseselos sa parte ni Mrs. Pauleen Luna-Sotto.

“Si Pauleen, artista siya, so wala siyang dapat… sanay na ‘yun, wala na ‘yung mga selos-selos na ‘yan. I mean, she understands the ins and outs of the industry,” paliwanag ni bossing Vic.

 

PAGLABAS
NG KAPANGYARIHAN
NI KATHRYN,
NAG-TRENDING

12. 05. 17 Tune in tonight, yes? #LLSItIsTime🐺

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

SADYANG inabangan ang paglabas ng kapangyarihan ng karakter ni Kathryn Bernardo bilang Malia noong Martes (Disyembre 5) sa fantaseryeng La Luna Sangre kaya naman pumalo ang programa sa panibago nitong all-time high national TV rating at trending pa sa Twitter worldwide.

Ang pagbabagong anyo ni Malia bilang Lobo ay nagtala ng national TV rating na 38.5% mula sa pinagsamang urban at rural homes, o higit sa doble ng rating ng katapat nitong palabas na nakakuha lamang ng 15.3%, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Tanghali pa lang, tila hindi na mapakali ang netizens sa mangyayaring pagbabago kay Malia at kalaunan ay nag-trending pa sa Twitter ang hashtag nitong #LLSItIsTime sa buong mundo.

Todo puri ang Twitter users sa husay ng pag-arte nina Kathryn at Daniel Padilla pati na rin sa magandang visual effects ng transformation ni Malia.

“Mata niyo pa lang pamatay na, may action scenes pa. Ang galing galing niyo,  @bernardokath @imdanielpadilla! Palagi ko kayong ipagmamalaki at patuloy na pasasalamatan sa pagbibigay niyo ng best ninyo. Mahal ko kayo Will forever be proud & thankful to you two for always doing your best to give us, your fans and the viewers something worth watching. Luv u both, always,” ayon pa sa Twitter user na si @miamorkathryn.

Para kay @kataydall, ”Ibibigay ko ‘tong episode kay Kathryn. Isa siyang versatile actress. Tingin ko pang acting award ito. Ilalaban ko ‘to.”

Mas umiinit na nga ang mga eksena sa La Luna Sangre dahil bukod sa paglabas ng kapangyarihan ni Malia, lumabas din ang marka ng sumpang tinta sa katawan ni Tristan (Daniel).

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved