Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maris, aminadong mag-MU sila ni IñIgo
Maris,  aminadong  mag-MU sila  ni IñIgo

Maris, aminadong mag-MU sila ni IñIgo

MU ang tahasang sinabi ni Maris Racal sa estado ng relasyon nila ni Iñigo Pascual. Exclusively dating sila.

Sinabi pa niya sa presscon ng Haunted Forest na si Inigo na lang ang tanungin tungkol sa kanila. Mahirap  ang mag-assume.

Pero gusto ni Maris na kasama si Inigo ‘pag nanood siya ng filmfest entry ng Regal Entertainment Inc..

Kaisa-isang horror movie ang Haunted Forest sa Metro Manila Film Festival. Tampok din sina Jane Onieza, Jameson Blake, at Jon Lucas. Ito ay sa direksiyon ni Ian Lorenos.

Sa Haunted Forest bagong Maris, Jane, Jameson, at Jon ang makikilala ng madlang people.

Rito, hindi lang kayo matatakot at kikiligin, may family values din na ituturo sa atin ‘yung mga character ng film.

Bahagi ng supernatural teen horror na Haunted House ang mga batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. Tampok din sina Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida , Beverly Salviejo, Fiona Yang, at Kelvin Miranda.

Humiyaw! Manginig! Umibig, Matuto. Sa trailer pa lang ay masasabing sadsad  sa takutan ang pelikula.

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved