Monday , May 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, may GF na (pambubuking ni Sue)
Arjo, may GF na  (pambubuking ni Sue)

Arjo, may GF na (pambubuking ni Sue)

USAPING Sue Ramirez pa rin,  namataan siyang kasama sina Arjo Atayde at Maris Racal na kumakain sa Jollibee Tomas Morato kamakailan at base sa nagkuwento ay ang saya ng tatlo at ang lalakas nilang kumain, ha, ha, ha. Marahil ay naka-break ang tatlo sa taping ng Hanggang Saan na kasalukuyang napapanood ngayon sa ABS-CBN.

Hindi naman ito itinanggi ng aktres, “opo, magkasama nga po kami, wala lang, kumain kami, na-miss namin ang Jollibee, ha, ha, ha.”

Base rin sa mga nakukuha naming kuwento ay sobrang swak  sina Sue at Arjo na walang ginawa kundi magkuwentuhan sa set ng Hanggang Saan at naalala tuloy namin ang sinabi ng aktres na, “si Arjo po talaga, sobrang daldal, mas madaldal pa sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking kayang tapatan ang daldal ko.” 

Sabi namin na maraming may gusto sa loveteam nilang PaNa (Paco at Anna), “oo nga po, grabe ang dami nga pong nagsasabi, ang daming nagti-tweet, bagay nga kami, nakatutuwa,” sabi ng dalaga.

Tinukso namin si Sue kay Arjo na ‘sila’ na lang, “ha, ha, ha, ha may girlfriend po si Arjo at sobrang mahal niya,” pambubuking ng aktres.

Kaya hirit namin ay kung gaano naman niya kamahal ang boyfriend niyang miyembro ng Boyband PH na si Joao Constancia.

Mahal is a strong word,” mabilis na sagot sa amin ni Sue.

‘Sige gustong gusto na lang?’ balik-tanong namin sa dalaga.

Gusto lang,” sambit ni Sue.

At tumatawa ang mga nakaririnig sa kulitan namin ni Sue at nakiki-agree rin sila na tuksuhin pa namin ang dalaga kay Arjo.

Pero aminado ang dalaga na sobrang bilib siya kay Arjo, “sobrang gentleman, sobrang focus sa work, sobrang bait, sobrang maalaga, sobrang thoughtful, sobrang generous.  Ang ganda ng pagpapalaki ni tita Sylvia (Sanchez) sa mga anak niya,” papuri ng aktres sa aktor.

In fairness, saktong-sakto ang ugali nina Arjo at Sue dahil pareho silang walang ere sa katawan, hindi naninimbang ng mga taong makakahalubilo.

Sabi sa amin ng taong boto rin sa tambalang PaNa, ”Si Arjo kasi seryosong tao, hindi siya sumasakay lang sa popularity para sa loveteam. Tingin namin kay Arjo hiwalay ang work sa personal life. Kaya bilib kami hindi katulad niyong iba na sumasakay sa love team at liligawan kunwari ang leading lady. Kaya mukhang malabo niyang ligawan si Sue, pero sana magka-developan,” kuwento sa amin.

Hmm, hayaan natin ang panahon ang magsabi kung posibleng magkagustuhan sina Sue at Arjo dahil matagal pa ang itatakbo ng kuwento ng Hanggang Saan lalo na kapag nabuking nila kung sino ang pumatay sa tatay ng dalaga na si Eric Quizon.

Ano kaya ang magiging desisyon ni Paco (Arjo) bilang abogado na ng pamilya nina Anna (Sue) laban sa taong pumatay sa tatay nito?  Kaya abangan ang Hanggang Saansa ABS-CBN pagkatapos ng Pusong Ligaw.

TABLOG
ni Roldan Castro

 

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved