Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Teleserye ng JaDine sa Dreamscape, sisimulan na sa 2018
Teleserye ng JaDine sa Dreamscape, sisimulan na sa 2018

Teleserye ng JaDine sa Dreamscape, sisimulan na sa 2018

THE long wait is over dahil ang matagal ng request ng fans nina Nadine Lustre at James Reid na magkaroon ng panibagong teleserye sa Kapamilya Network ay matutupad na sa pagpasok ng 2018.

Ito ay inanunsiyo ng ABS-CBN Dreamscape Business Unit Head Deo Endrinal sa Instagram niya noong Martes, November 28.

Jadine James Reid Nadine Lustre

Aniya, Jadine x Direk Dan Villegas x Dreamscape. Its gonna be a MAGICal 2018.”

Maaalalang sa Dreamscape Entertainment ni Endrinal ginawa ng JaDine ang On The Wings of Love (2015) at Till I Met You (2016).

Ang upcoming teleserye ng JaDine at ididirehe ng hugot film director na si Dan Villegas.

ALDEN AT MAINE,
PINATAOB
ANG KATAPAT
NA PALABAS

WAGI ang magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza nang pataubin ang katapat na programa nang mag-guest sa dalawang magkaibang show sa GMA 7.

Special guest si Alden sa Dear Uge na katapat ang Banana Sundae. Humamig ng 5.7% ang episode ni Alden kasama si Odette Khan habang 3.9% lang ang nakuha ng kalaban na gag show.

Si Maine naman ay sa Daig Kayo Ng Lola Ko bilang isang tsismosang kapitbahay. Nakalaban niya ang Little Big Shots. Pinadapa niya ito na nakakuha ng ratings na 9.9 % habang ang LBS ay 8.8 lamang.

ANG LARAWAN,
KAABANG-ABANG
SA MMFF 2017

ISA sa pelikulang kaabang-abang sa darating na Metro Manila Film Festival  2017 ay ang musical-drama na Ang Larawan na hango sa play ni Nick Joaquin, ang A Portrait of the Artist as Filipino na pinagbibidahan nina Paulo AvelinoRachel AlejandroJoanna Ampil at marami pang ibang OPM icon na idinirehe ni Loy Arcenas.

Ang kuwento nito ay tungkol sa pagmamahal sa pamilya at pagmamahal sa sining.

Sa statement ng mga producer ng pelikula, kabilang ang Heaven’s Best Entertainment nina Harlene Bautista, kahit noong 1941 pa ang setting ng pelikula, siguradong makare-relate pa rin ang mga Pinoy.

LAR_9192

Tatakbo ang kuwento sa dalawang unmarried sisters, sina Candida at Paula, na tumangging ibenta ang painting ng kanilang amang si Don Lorenzo Marasigan kahit na ang kapalit ay malaking kayamanan at karangyaan sa buhay.

5 Tertulya scene with Noel Trinidad Nanette Inventor Dulce Bernardo Bernardo Jaime Fabregas

Ang isa pa sa masasabing highlight ng pelikulang Ang Larawan ay ang huling La Naval procession sa Intramuros na isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan ng Maynila.

12 Rachel Alejandro

“This scene is one of the reasons why our movie got a grant from the Quezon City Film Development Commission, since the Our Lady of the Most Holy Rosary La Naval is a patroness of Quezon City. We are very blessed and thankful,”  ayon kay Celeste Legaspi na siyang executive producer ng pelikula at isa rin sa members ng cast.

9 Sandino Martin as Bitoy before La Naval procession
Kabituin din sa Ang Larawan sina Nonie BuencaminoMenchu Lauchengco-YuloRobert Arevalo,Sandino MartinCris VilloncoAicelle Santos, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo. May special participation sina Ogie Alcasid, Rayver Cruz, at Zsa Zsa Padilla gayundin sina Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas, Noel Trinidad, Nanette Inventor, at Dulce.

(JOHN FONTANILLA)

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved